<#28.Childhood Memories>

175 15 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV




Ang sakit ng ulo ko. Parang masusuka ako. Ano ba ang nakahalo sa dugo na ininom ko sa Ilumin?

Parang nilagay ako sa washing machine sa hilo ko ngayon. Ang sakit talaga ng ulo ko dahil sa mga alaalang bumalik na.

"Nathalia, hindi ka ba papasok?" tanong ni Coralline na nagsusuklay ng buhok. Kakatapos niya lang kasing maligo at si Flaurelle na ang nasa banyo ngayon. Ayos lang naman kung mag-usap kami ng panandalian lang.

Mas nauna silang nagising kaysa sakin. Hindi katulad ng dati na ako palagi ang naunang nagigising samin.

"Hindi." walang gana kong tugon. Wala akong gana ngayong pumasok dahil inaantok ako.

Ang daming nangyari kagabi. Naibalik na sakin ang lahat ng nawalang alaalang binura ni Tita Vivi. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga alaalang naaalala ko na. Ang mga kaibigan ko at ang mga masasayang araw ko kasama sina Ina at ang mga kapatid ko. Ang lahat na ginawa ni Ina ay pagpapanggap lamang para maitago ako sa mata ng mga nilalang na nais na patayin ako.

"Una na kami Nath." sabi ni Flaur. I just wave without looking at them. Nakatingin lang ako ngayon sa ceiling ng kwarto namin.

"Aira bilisan mo." tawag ko sa kaibigan kong may blond na buhok.

"Anna hindi naman ako bampira katulad mo kaya hintayin mo naman ako." sabi niya habang hinahawak ang laylayan ng damit niyang sumasayad sa lupa. Bakit ba kasi nakagown siya?

"Bakit kasi hindi mo dinala ang walis mo?"

"Ano ka ba Anna? Pitong taong gulang pa lang ako. Ang sabi ni Ina ay hindi pa ako pwedeng lumipad gamit ang walis ko." sabi niya.

Nang makarating kami sa pupuntahan namin ay nandoon na ang apat sa aming magkakaibigan ngunit hinanap ko yung isa pa naming kaibigan sa kaibigan kong babeng may pagkapula ang buhok.

"Merr nasaan si Aris?" tanong ko kay Merr.

"Pinatawag siya kanina ni Ate Lia. May pag-uusapan daw sila." sagot niya habang inaayos ang mga pagkain. Nandito kami sa hardin na nasa likod ng palasyo.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now