<#4.Back in Vampir>

344 19 0
                                    

Nyx' POV

Nakalipas na ang isang linggo at naghahanda na kami ni Mama papuntang Vampir, the Land of Vampires.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil talagang mamimiss ko ang kwarto ko 'to. Cheneck ko ulit kung may naiwan akong gamit o importanteng bagay na hindi ko na ilagay sa bag.

"Nyx, matagal ka pa ba jan? Aalis na tayo." sigaw ni Mama. Mas excited pa siya kay sa sakin. Hindi naman ako excited eh parang nga akong binagsakan ng langit at ng lupa.

"Sandali lang po, bababa na ako!" sigaw ko pabalik. Sana masira eardrum niya. Haha joke lang.

Bumaba na ako at nadatnan ko si Mama na bitbit na ang isang malaking maleta

"Ma sobrang laki naman yata ng maleta mo." komento ko sa kanya.

"Ha? Nandun na nga ang limang maleta sa kotse eh." napanganga naman ako dahil sa sinabi niya. Dinala ba niya ang lahat ng gamit ng bahay? Tingin ko ang mga gamit niya sa pagbabake ang dala niya.

Lumabas na kami ng bahay. Nilagay at inayos na ni mama ang mga bag NIYA sa likod. As in sa kanya lang. Nasa back seat naman ang isang bag ko at isang maleta.

Pumasok na ako sa tabi ng driver seat. Hindi nagtagal ay pumasok na rin si Mama. Pinaandar na niya ang sasakyan at nagsimula ng magmaneho.

Habang nagbabyahe kami ay nakikinig lang ako ng music. Hanggang mapansin ko na papunta ito sa Hospital ni Ate.

Pumasok kami sa parking lot na nasa ilalim ng mismong Hospital. May pinakitang I.D. si Mama sa guwardiya doon. Pagpasok namin ay agad dumeritso si Mama sa isang silid na kasya ang sasakyan namin. Isa itong mahabang hallway, madilim at walang gaanong ilaw maliban sa ilaw ng kotse ni Mama.

Halos magkalahating oras na narito parin kami sa madilim na hallway. Nakakakita na ako ng mga dugo at mga buto. May mga daga na rin at ipis. Talaga bang ito ang pinakamalapit na entrance? Pangit ng daanan ha! Kung alam ko lang sana doon na lang sa malayo.

"Lahat ng entrance papuntang Vampire World ay ganito." sabi ni Mama. Nahalata niya siguro sa mukha ko na nandidiri ako.

Kalahating oras pa ay nakalabas na kami sa hallway na yun at sumalubong samin ang kagubatan. Dahil sa inip ko ay sinuot ko nalang ang headset ko at pumikit.

Naramdaman kong huminto kami kaya dumilat ako. Nandito na kami sa harap ng isang bahay este mansyon pala. Mas malaki kasi ito kaysa sa bahay namin.

"Oh gising kana pala. Gigisingin palang sana kita eh." nakangiting sambit ni Mama.

Bumaba na kami ng sasakyan. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang wala kaming kapit bahay. Nilawakan ko ang paningin ko at nakita kong 8 kilometro ang layo ng pinakamalpit na bahay mula dito.

"Ma, bakit walang bahay na nakatira malapit dito?" tanong ko kay Mama na pinapalabas ang mga gamit niya.

"Aba ewan. Tanungin mo nalang ang Ate mo tungkol dito." sagot niya.


Pinalabas ko na ang gamit ko. Nakita ko namang lumapit si Mama sa pinto at kumatok.

Bumukas naman ang pinto.

Vampire Queen's Runaway DaughterNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ