<#20.Lunch with him>

200 18 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV

"Is this seat taken?" tanong ko sa lalaking may salamin. Umiling naman siya.

"Hi Nath." bati niya sakin.

"Hello Hugo." bati ko pabalik.

"Nath bakit hindi kita nakita kahapon?" tanong ni Hugo sakin.

"Ang lawak ng Mixtus at magkaiba tayo ng klase." sabi ko sa kanya sabay subo ng pagkain.

"Magkaklase tayo sa afternoon class." sabi niya.

"Talaga?" takang tanong ko.
Napangiti naman ako ng alanganin. Sana hindi niya ako nakita kahapon na binubully.

"Yeah. Tinawag ka kasi ni Sir kahapon para sa attendance pero wala ka. Nasaan ka ba kahapon?" tanong niya habang kumakain.

"Ahm... nasa kwarto lang ako buong araw kahapon." sagot ko.

Kumain lang kami hanggang nakita ko sina Coral na papalapit samin kasama nila ang tatlong lalaki.

"Hello Nath." mahinang bati ni Alwin nang makalapit sila.

"Uhm Good morning." bati ko pabalik.

"Hindi mo man lang kami ginising." nagtatampong sabi ni Coral.

Kahit kasi galit ako sa kanila ay ginigising ko pa rin silang dalawa. Kaibigan ko pa rin naman kasi sila.

"Pasensya na."

"Who's he?" nabaling naman ang tingin ko sa nagtanong, si Devlin.

"Ahh si Hugo. Hugo sila pala si Coralline at Flaurelle, kadorm mate ko at si Lorycs, si Alwin at si Devlin, mga kaklase ko." pakilala ko sa kanila kay Hugo.

"I'm Hugo Aris Northwood." pakilala ni Hugo. Nakipagshake hand siya sa kanila maliban kay Devlin na tiningnan lang ang kamay niya. Binawi niya ito ng maramdaman niyang walang balak makipaghand shake si Devlin sa kanya.

Umupo na sila dala ang mga pagkain na binili nila. Katabi ko ang mga babae at kaharap ko si Hugo.

"Malapit na magtime. Kailangan ko nang umalis. Sige kita nalang tayo mamaya Thalia." sabi ni Hugo at umalis na.

"Sige, bye." nakangiti kong sabi.

Umalis na rin kami nang matapos kaming kumain. Nang makarating kami sa classroom ay umupo na kami sa upuan namin habang hinihintay ang guro namin ngayon.

"Good morning class." sabi ni Ms. Kaye. Pumasok na ang masungit naming adviser.

"Good morning Ms. Kaye." bati naming lahat.

"Malapit na ang Moon Festival kaya magiging abala kami sa paghahanda hanggang sa matapos ito." sabi ni Ms. Kaye. Nagbubulungan naman ang mga kaklase ko habang ko ay tahimik lang na nakikinig.

"Tahimik!" sigaw ni Miss kaya nagsitahimikan sila dahil sa takot.

"Marami kaming gagawin ngayong buwan dahil sa nasabing pagdiriwang hindi lang yun. Malapit na rin ang paunang pagsusulit niyo kaya kailangan natin magmadali." sabi ni Ms. Kaye at inayos ang salamin niya.

"Ang Moon festival ay magaganap isang buwan mula ngayon. At napagpasyahan ng mga pinuno na dito sa Mixtus High gaganapin ang huling araw ng Moon Festival." dagdag pa nito.

Nagsimula muli mag-ingay ng mga kaklase ko. Si Coral at Flaur ay nag-uusap sa nasabing pagdiriwang. Ganun din sina Alwin, Devlin at Lorycs. Samantala, ako ay nakaupo lang dito at hindi sila pinansin.

Ang nasabing pagdiriwang ay Moon Festival. Pagpapasalamat ito sa mga ninuno namin. Isang linggo ito ipinagdidiriwang. May pitong araw, sa unang araw hanggang ika-limang araw ay pauuwiin ang mga estudyante upang ipagdiriwang ito sa kani kanilang lupain. Sa ika-anim na araw ay babalik ang mga estudyante upang maghanda sa huling araw ng Moon Festival, ang Red Blood Moon. Kadataon ito ipinagdiriwang ang Moon Festival at ngayong taon ay dito sa Mixtus High ipagdidiriwang ang huling araw ng Moon Festival kung saan magiging pula ang buwan. Kadataon ay lumilitaw ang Red Bloond Moon. Isang malas daw ang pinanganak sa araw ng Red Blood Moon. Sa araw na iyon ay magsama sama ang mga lahi ng bawat lupain at...
.
.
.
.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now