<#32.Bad Feeling>

176 16 0
                                    

Lorycs' POV


Nabaling ang atensyon namin sa pinto ng may kumatok dito. Baka ang Reyna ng mga bampira na iyan o baka si Kyline.

"Pasensya na pero nandito ba si Veronycka?" sabi ng isang babae. Isa siyang bampira, maikli ang itim niyang buhok na hanggang balikat.

"Vi?" nakataas kilay na tanong ni Reyna Criftal. Kilala nila ang babaeng ito? At bakit niya tinawag ang reyna ng mga bampira sa kanyang pangalan?

"Kamusta kayo?" nakangiting tanong niya at pumasok na.

"Ayos lamang kami. Ikaw?" sabi ni Haring Safwen.

"Ito, maganda pa rin." magiliw na sabi niya at kumindat.

"Kailan ka pa bumalik Vi?" tanong ni Reyna Moirah.

"Six days ago. Sila na ba ang mga anak niyo?" nakangiting tanong niya at tumingin samin.

"Pasensya na, kailangan ko palang kausapin si Veron. Mauna na ako sa inyo." sabi niya at yumuko bago umalis.

Lumabas na siya kaya nagtanong kami kung sino ang babaeng yun.

"Ina sino ang babaeng yun?" tanong ni Coral, ang mahal kong si Coral. Sayang nga lang at hindi kami para sa isa't isa at magkaiba kami ng lahi kaya pipigilan ko na lamang ang pag-ibig ko para sa kanya. Sino ba kasi naglagay ng letcheng Blood Rule na 'yan?

"Siya si Prinsesa Vivianne Leslien Bloodsworth, 1st Princess of 48th Generation." sagot ni Tito Lykus. Tumango naman ang ibang pinuno bilang pagsang-ayon sa sagot ni Tito.

"Pamilyar siya... Hmm." iniisip ko kung saan ko siya nakita. Pamilyar talaga eh.

"Ahh sa silid ni Tito Luis na iniregalo mo daw sa kanya. Nakaframe yun doon at nakabathing suit siya. Tama ba?" natatawang sabi ko.

"Manahimik ka bata. Ipapahamak mo pa ako kapag narinig niya 'yan." inis na turan sakin ni Tito Lykus.

"Lykus saan ka naman nakakuha ng litratong nakabathing suit siya?" natatawang tanong ni Haring Hellion at taas-baba ang kilay niya na nakatingin kay Tito Lykus.

"Manahimik ka Hellion." napatawa naman si Haring Hellion at si Haring Safwen.

Napailing naman ang dalawang reyna dito sa silid.

May kumatok ulit sa pinto kaya nabaling ang patingin namin dito. Bumukas ito at niluwal si Kyline.

"Prinsesa Kyline, bakit ngayon ka lamang?" tanong ni Haring Safwen.

"Patawad, may pinuntahan lamang ako. Nasaan si Ina?" nakangiting tanong niya. Hindi man lamang siya bumati.

"Hindi namin alam." kibit balikat na sagot ni Reyna Moirah.

Nag-uusap naman sa isang gilid si Reyna Criftal at si Flaurelle. Ganun din sina Devlin at Haring Hellion. Nakaupo lamang si Kyline habang nagbabasa ng libro.

"Lorycs halika." tawag sakin ni Tito Lykus.

"Ano po iyon Tito?"

Lumapit ako sa kanya. Nakatayo siya sa harap ng bintana.

"Lorycs kamusta ang pakikipagkasundo niyo kay Prinsesa Kyline?" tanong ni Tito.

Napatingin ako kay Kyline sakto naman na napatingin siya sakin. Narinig niya siguro ang tanong ni Tito. Syempre Lorycs, isa siyang bampira at nasa iisang silid kayo.

"Ayos lang naman Tito." sagot ko sa kanya. Nakatingin siya sa mga estudyanteng naglalakad.

"Tito, kamusta si Ama?" tanong ko.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now