<#22.Stay away, I'll find a way>

201 17 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV


Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom dahil naiwan ko ang mga gamit ko. Tapos na rin ang klase kaya wala na sigurong bampira sa loob.

"Hey." napatingin ako sa likod nang may tumawag sakin. Si Hugo, bitbit ang bag ko?

"Bakit na iyo ang bag ko?" tanong ko sa kanya.

"Kinuha ko na dahil baka ilock nila ang pinto kaya ito oh." sabi niya at inabot niya sakin ang bag ko.

"Salamat. Babalik ka na ba sa dorm mo?" tumango ito sa tanong ko.

"Samahan mo muna ako sa Cafeteria, libre ko." nakangiti kong sabi sa kanya.

Naglalakad kami ngayon papuntang Cafeteria ng may narinig akong hindi ko nagustuhan.

"Hugo, ito ang card. Mauna kana, susunod ako." sabi ko. Binigay ko ang green card na binigay ni Ate kanina, para lang siyang credit card. Ang sabi niya isang milyon lang daw ang laman. Ang laki na ng isang milyon, barya lang yan kay Ate sa yaman ng isang yun.

"Okay." alam kong nagtataka siya pero sinunod niya pa rin ako. Nang lumiko si Hugo pa kanan ay umalis na ako sa pwesto ko at lumapit sa mga boses na narinig ko.

"Gusto niyong magkasundo tayo?" sabi ni Kyline. Nasa isang silid sila ngayon pero naririnig ko dahil hindi nila naisara ng maayos ang pinto. Mahina lang ang boses na naririnig ko. Kung ordinaryo kang bampira ay wala kang maririnig. Napansin kong may barrier din, si Flaurelle maaari ang gumawa nito.

"Sino ba naman ang hindi? Malapit na ang Moon Festival dapat magkakasundo tayong anim para sa kapayapaan ng Immortalis dahil tayo ang susunod na mamumuno." sabi ni Alwin. Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya. Hindi naman si Kyline ang susunod na reyna ng mga bampira.

"Fine pero may kondisyon ako." sabi ni Kyline. Tss, ang galing mo ah.

"Ano naman ito?" tanong ni Devlin.

"Gusto kong iwasan niyo si Nathalia at sabihin niyong layuan niya si Hugo." sabi ni Kyline.

What! Baka gusto mong basagin ko yang pagmumukha mo Kyline kahit pamangkin kita, walang akong pakialam.

"Mukhang kailangan niyo pang mag-usap. Mauna na ako."

Mabilis akong umalis dahil ramdam kong bubuksan ni Kyline ang pinto at mararamdaman niya na may nakikinig sa kanila.

Mabilis kong tinungo ang Cafeteria. Nakita ko namang naghihintay si Hugo habang tinitingnan ang pagkain sa harapan niya. Mukhang malalim ang iniisip niya.

It's pay back time.

"Huy!" panggugulat ko kay Hugo. Ginulat niya rin ako kanina kaya quits na kami.

"Aiy matang pilak!" nagulat ako sa sinabi niya. Anong nalalaman niya tungkol sa matang pilak?

Umupo ako sa harapan niya pero hindi ko pinahalatang nagulat ako sa sinabi niya.

"Hugo ang lalim naman ng iniisip mo. At ano iyong pilak na mata? Mayroon bang ganoon uri ng mata?" takang tanong ko sa kanya.

Limita lamang ang may alam tungkol sa may pilak na mata at ang mga Legendary Queen lang ang magkakaroon nito.

"Ah wala. May nabasa kasi ako sa library tungkol sa silver eyes." sabi niya habang sumusubo ng pagkain.

"Ano ba ang nabasa mo? I-share mo naman." pangungulit ko dito. May pagkain na rin naman sa harapan ko kaya kumain na rin ako.

Vampire Queen's Runaway DaughterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang