<#54.Outside Mixtus>

182 11 0
                                    

Hugo's POV

Hindi ko alam kung bakit napakasakit ng puso ko ngayon.

Hindi pa ako umaamin sa kanya pero dahil bampira kami ay alam namin ang mararamdaman ng isa kung may gusto ito sa amin.

Pero ang kay Nathalia... Wala siyang planong magmahal na higit pa sa pagkakaibigan.

Tiningnan ko si Nathalia na natutulog ng mahimbing. Maganda ang maputing kutis niya, hindi ito maputla katulad ng ibang bampira. Brown niyang buhok, makapal na pilikmata, matangos na ilong at ang kanyang mapulang labi. Kahit nakapikit ay parang nakikita ko pa rin ang kanyang itim na mata.

Noong una ko pa lamang siyang nakita ay natamaan na ako. Siya lang ang nakapagsabi sakin na ang 'cute' ko daw. Nagustuhan din niya ang librong isinulat ko kaya nga minamadali ko ang pagsusulat ng ikalawang libro para sa kanya.

Bakit ba kasi ako pa ang naging Vampire Knight? Wala naman akong naaalala tungkol dito. At bakit ngayong taon lang ito sinabi ni Prinsesa Lia?

Ilang ulit na akong napabuntong hininga.

"Hey."

Napalingon naman ako ng may humawak sa balikat ko.

"Lorycs? May kailangan ka ba?" tanong ko.

"Wala naman. Pansin ko lang kasi kanina ka pa patingin tingin kay Nathalia." sabi niya at umupo sa tabi ko. Binigay niya sakin ang isang bote ng dugo.

"Akin na lang yun." sabi ko at kinuha ang bote.

"Huwag mo nang itago. Alam ko naman na may gusto ka kay Nathalia eh. Pero sasabihin ko lang sayo huwag mong sasaktan ang kaibigan ko kung hindi ay hindi lang ako ang makakalaban mo."

Ano bang pinagsasabi ng lobong 'to? Ako na nga itong unang nasaktan eh.

"Pinagsasabi mo. Nareject na nga ako." bulong ko at uminom ng dugo. At dahil lobo siya.

"Ha? Kailan ka umamin?" gulat na tanong nito.

"Hindi pa ako umamin. Alam mo naman kaming mga bampira, malakas makiramdam at makabasa ng puso. Tss, I hate this." inis kong sabi.

"Hahaha Pasensya na nakalimutan ko hahaha." natatawang sabi ng katabi ko.

Gago 'to ah pinagtatawanan ako.

"Tss, bumalik ka na nga doon kung pagtatawanan mo lang naman ako." inis kong turan sa kanya.

Tumayo siya pero natatawa pa rin.

"Iba talaga ang bampira pagdating sa makiramdam at pagbabasa ng damdamin." napailing na sabi niya at umalis na.

Bwisit!

Fuck this vampire love instincts.

Tama nga ba ang sinabi ni Nathalia?

Isa akong Vampire Knight at kapakanan ng Reyna na ko ang aking pangunahing gampanin.

Mukhang tama nga si Nathalia. Mas mabuti nga kung magkaibigan na lang kami.

Tatayo na sana ako nang maramdaman kong gumalaw ang lupa.

"Lumilindol ba?" rinig kong tanong ni Coral.

Napababa naman si Devlin mula sa taas.

*boogggssshhh*

"Sandali ano yun?" takang tanong ni Flaurelle. Wala naman akong nakikitang sumabog sa labas.

Saan nanggaling yun?

Umuga ulit ang lupa dahil sa muling pagsabog.

"Nathalia gumising kana." rinig kong sigaw ni Alwin.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now