<#53.Vampires have Love Instinct ╥﹏╥>

175 11 0
                                    

Third Person POV

Nasa loob ng kweba sina Coralline, Flaurelle, Lorycs, Alwin, Devlin, Hugo at Rene. Si Coral at Flaurelle ay nagtampisaw sa tubig habang sina Lorycs, Alwin at Rene ay nakapalibot sa ginawang apoy ni Alwin kanina. Si Hugo naman ay nasa bukana ng kweba habang si Devlin ay nasa taas ng kweba.

"Rene, ayos na ba ang paa mo?" tanong ni Lorycs.

"Oo maraming salamat. Nakakabawas ng sakit ang init ng apoy." sabi ni Rene.

"Saan ba kasi nagpunta si Nathalia? Paano kung napahamak na pala ang isang yun?" tanong ni Alwin habang dinadagdagan ng panggatong ang apoy.

"No need to worry. Malakas si Nathalia sa pagkakilala ko." sabi naman ni Flaurelle habang pinapatuyo ang damit gamit ang kanyang wand.

"Nga pala Rene. Ang galing mo nang labanan mo si Hugo noong Battle Competition." manghang sabi ni Coral.

"Hindi naman pero salamat." sabi ni Rene at napayuko.

"Ang plano ko dapat kasi ay manalo ngayong Battle Competition pero hindi ko nagawa. Gusto ko pa sanang ipagamot ang aking Ina na may sakit." dagdag pa ni Nathalia.

"Huwag kang mag-alala Rene. May kakilala akong makakatulong sayo."

Napalingon naman sila ng may nagsalita sa likod nila. Si Nathalia na may dalang bag na puno ng pagkain at damit.

"Nathalia."

Madali lamang ni Nathalia naisahan ang mga naglilibot na mga guro dahil sa bilis nito hanggang makarating siya sa dormitoryo ng mga babae.

"Thank goodness, I stock a lot of blood." sabi ni Nathalia at binigay kay Rene ang isang bottle ng dugo.

Bumaba naman si Devlin mula sa ibabaw ng lawa.

"Did you bring some blanket or something?" tanong ni Devlin.

"Of course." nakangiting sabi ni Nathalia.

"Teka lang, pamilyar ang mga 'toh ah." sabi ni Alwin.

"Syempre sa inyo ang mga 'yan. Ayokong ipahiram ang kumot ko kahit alam kong huhugasan ito ng ilang ulit." sabi ni Nathalia at nilayo ang bag sa mga lalaki.

"Ibig sabihin pumunta ka sa dorm namin?" paniniguro ni Lorycs.

"Of course. Saan ko naman kukunin 'yan kung hindi ako pupunta doon?" nakataas kilay na tanong ni Nathalia.

Napatawa naman ang mga babae.

"Ito Hugo, kinuha na rin kita." sabi ni Nathalia at binigay ang isang kumot.

"Kanino naman ito?" tanong ni Hugo at kinuha ang kumot.

"Kay Devlin." sabi ni Nathalia.

"Hindi na, hindi ako nilalamig."

At binalik kay Nathalia ang kumot.

Taka naman napatingin si Nathalia kay Hugo na naglakad palabas ng kweba.

"Anong nangyari sa isang yun?"

"*ehem*manhid." bulong ni Lorycs.

"And what do you mean by that?" tanong ni Nathalia.

"Wala, wala."

"Hmp... Sayo na lang Rene." sabi ni Nathalia at binigay kay Rene ang kumot.

"Huh? Hi-hindi na Na-Nathalia." nauutal na sabi ni Rene.

'Kay Prinsepe Devlin ang kumot na 'yan.' sabi niya sa isipan niya.

Kinuha ni Devlin ang kumot at inilagay sa likod ni Rene. Napayuko naman si Rene na namumula.

Vampire Queen's Runaway DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon