<#26.Talk w/ a Goddess>

193 19 0
                                    

Nyx' POV




Nakaupo ako ngayon sa lupa. Habang niyayakap ang tuhod ko. Si Dyosa Ilumina naman ay nakaupo sa upuan niya kanina habang umiinom ng tsaa.

Matapos ng alaalang bumalik sakin ay nakaupo lang ako dito habang tinitingnan ang mga bulaklak at mga paruparu. Hinayaan lamang ako ni Dyosa Ilumina dito, nakaupo at mugto ang mga mata.

Gusto kong makita si Ina pero hindi pa pwede. Gusto ko siyang yakapin ng napakahigpit.

"Dyosa Ilumina?" pagtawag ko sa kanya. Humarap ako sa kanya kahit nakaupo ako sa lupa.

"Hmm?" napatigil siya sa pag-inom ng tsaa at napatingin sa akin.

"Iyon lang ba ang alaala na binura nila?" tanong ko.

"Hindi. Naaalala mo ba ang sinabi ng iyong Ina?"

"Uhmm Oo, tingin ko ang sinabi niya ay burahin ang alaala ko tungkol sa mga kaibigan ko at ang masasayang araw na kasama siya." malungkot ko na sabi. Wala akong maalala na naging kaibigan ko noon kabataan ko pa.

"Dyosa Ilumina, may paraan ba upang maibalik ang mga alaalang binura nila?" muli kong tanong.

"Pwede kong ibalik kung nais mo." sabi ni Dyosa Ilumina.

"Hindi na po. Malaking tulong na ang ginawa niyo para sakin." sabi ko sabay iling. Malaking tulong na ang maibalik kahit maliit na parte ng alaalang nabura.

"Sa gitna ng gubat na iyon, matatagpuan mo ang isang puno na may pilak na mga dahon at may itim na mga bunga." sabi ni Dyosa Ilumina habang inuturo ang gubat, hindi malayo samin.

"Pumitas ka ng tatlong itim na bunga at limang pilak na dahon. Dalhin mo ito pabalik dito. Ituturo ko sayo kung ano ang gagawin mo sa mga ito." nakangiting sabi ni Dyosa Ilumina. Tinginan ko naman siya na may pagtataka.

"Aanhin mo naman ang mga ito Dyosa Ilumina." sabi ko. Napabuntong hininga naman siya.

"Gawin mo na lamang." nakangising sabi niya. Kanina nakangiti, ngayon naman nakangisi.

Yumuko ako bago umalis. Ang creepy ng pagmumukha niya haha.

"ANONG SABI MO?" mas bagay sa kanya ang pagiging masungit kaysa sa magiging mabait.

Mabilis kong tinungo ang gubat na sinabi niya. Nasa gitna ng gubat na ito ang kailangan ko.

Gusto kong maalala ang lahat. Ang mga kaibigan ko, ang vampire knight ko daw, ang masasayang araw ko kasama sina Ina kung meron man.





~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~



Queen's POV



Ahh... Ang sakit na ng ulo ko.

Shit this paper works.

Vampire Queen's Runaway DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon