<#92.Leaving>

111 6 1
                                    

Vrnyxia's POV


Narito ako ngayon sa Vampir. Sa palasyo mismo.

Pinauwi na kami ni Reyna Vrnyxille sa ikasampung araw ko doon. Kailangan kasi naming umalis kaya umuwi kami para magpaalam sa mga magulang lang namin.

Nakapagpaalam na ako kay Ama kaya sa aking Ina naman.

Kumatok ako sa silid ng aking Ina bago ito buksan.

"Ina?"

Sabi sakin ni Kuya Verux ng makasalubong ko kanina ay hindi pa lumalabas si Ina sa silid nito simula noong araw na nawala si Ate Lia. Balita na rin kasi ang pagkawala niya kahit sa Mixtus High.

"Night?"

"Ina!"

Niyakap ko siya ng mahigpit. Galing kasi siya ng banyo. Pansin ko na mapula ang gilid ng mata at ang ilong niya. Nasabi rin sakin ni Kuya na walang araw na hindi siya umiiyak. Hindi rin siya kumakain o umiinom ng dugo araw-araw.

"I miss you Ina. Ang lupit magparusa ni Reyna Vrnyxille." sumbong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa sinabi ko kahit hindi abot sa mata.

"Miss na din kita, Night. Bakit ka kasi pumunta doon ng mag-isa?" 

"Ha? Ah Eh?"

"Ih, Oh, Uh. Sagutin mo ang tanong."

Pareho talaga sila ni Reyna Vanyxxa. >∩<

"Gusto ko lang na mabawasan sila." ngumiti ako ng matamis pagkatapos kong sumagot.

Hehe wala ngang nabawasan na buhay pero nabawasan naman ang parte ng katawan nila.

"Balita ko ay pinutol mo ang isang kamay, isang paa, dila tapos ay sinunog pagkatapos ay kinuha mo rin ang mga mata."

"Hehehe."

"Ang brutal mo."

Umupo kami sa balkonahe at doon pinagpatuloy ang pag-uusap.

"Night sa tingin mo ba? Kung iba ang naging pasya nila noon ay nandito pa rin kaya ang Ate Lia mo?" malungkot na tanong ni Ina.

"Ina, rinig mo naman ang sinabi ni Reyna Vrnyxille, hindi ba? Hindi na pagmamay-ari ng Immortalis ang buhay ni Ate Lia simula noong pinanganak mo si Kuya Zedrix." niyakap ko naman si Ina dahil katabi lang kami.

"Kung hindi--"

"Shhh Ina. Sige ka, ituloy mo 'yan, magagalit si Ate Lia sayo. Kung hindi iyon ginawa ni Ate Lia, patay ka na ngayon gayundin si Kuya Zed. At wala ako dito ngayon at iba ko pang mga kapatid."

"Pasensya na Night. Namimiss ko na kasi si Lia kahit na malamig ang batang 'yun. Alam mo bang napakalambing at masayahin niya noon?" ngumiti si Ina habang inaalala ang nakaraan.

"Ina?" tawag ko sa kanya.

Kailangan naming umalis bago pa lumubog ng araw.

"Ano iyon?"

Kung pwede lang hindi sumama, hindi talaga ako sasama. Gusto kong dito lang ako para makasama si Ina.

"Kailangan naming umalis. Narito ako para magpaalam."

"Ngayon na ba? Sige, pero sana bumalik ka kaagad."

Parang gusto kong umiyak.

"Hindi Ina. Iba ang ibig kong sabihin." tumulo naman ang luha ko.

Mamimiss ko ang mga kapatid ko, si Ms. Jing, sina Mama Merli, si Ama, at lalong lalo na si Ina.

"Night, ano ba yun?" tanong niya tapos pinunasan ang mga luha ko.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now