<#21.Answers>

185 15 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV


Nandito na kami ngayon sa harap ng Headmaster's Office. Si Kuya Max/Mr. Fel na ang kumatok. Hindi ko na inabala pang tanungin siya tungkol sa nangyari noong nakaraang buwan dahil mas nais kong malaman ang sagot sa mga tanong ko kay Ate.

"Punong-guro Kiel." sabi ni Kuya Max habang binubuksan ang pinto.

"Mr. Fel, come in." sabi ng isang boses ng lalaki.

"Punong-guro narito na po si Bb. Xander." nakayukong sabi ni Kuya Max/ Mr. Fel.

"Ikaw si Nathalia Yvette Xander, tama?" tanong ng Headmaster.

"Ako nga po Headmaster." sagot ko at tumango ako bilang tugon sa tanong niya, yumuko din ako bilang paggalang.

"Pinatawag kita dahil may nais na kumausap sayo." sabi nito.

Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan dahil na kita ko siya kahapon sa malayuan. Hindi siya kasing puti naming mga bampira at may blond siyang buhok. Isa siyang demon batay sa mga narinig ko. Nakaupo siya ngayon sa swivel chair niya. Marami namang papeles ang nakaimbak sa mesa niya.

"Nasa kabilang silid siya naghihintay." dagdag nito.

"Maramimg salamat Headmaster." sabi ko at yumuko bilang paggalang.

Iginaya ako ni Kuya Max sa isang pinto na nasa bandang kanang likuran ng Headmaster. Kumatok muna siya ng tatlong beses bago binuksan ang pinto.

Pumasok kami sa loob at may nakita kong babaeng nakaitim na nakaupo sa couch.

"Fel lumabas ka muna." sabi nito.

"Masusunod po." nakayukong umalis si Kuya Max.

"Maupo ka Nathalia." sinunod ko naman ang utos nito at umupo sa harap niyang upuan.

Magsasalita na sana ako ng pigilan niya ako gamit ang palad niya. Tumingin siya sa pinto bago bumalik ulit ang tingin niya sakin.

"Kamusta kana?" tanong nito habang nilalaro ang wine na hawak niya.

"Mabuti naman. Eh, sina Mama, kamusta na sila?"

"Ako? Hindi mo kakamustahin?" nakataas kilay nitong tanong.

"Well, you look fine to me and always do Ate." sabi ko dito.

"Merlita and the others are fine. They miss you a lot." sagot nito and took a sip on the wine she's holding.

"Pero hindi yun ang pinunta ko dito. Naalala mo ba ang mga sinabi ko bago ka umalis?" tumango ako bilang sagot.

"Ang sabi mo, 'Be safe and don't do anything that could catch their attention especially hers.'" pag-uulit ko sa huling sinabi niya bago ako umalis.

"Yes, but what did you do? You catch everybody's attention and slightly catches hers by challenging Kyline." malamig sabi nito sakin.

"Una sa lahat, hindi ako ang humamon. Pangalawa, I don't care. Pangatlo, bakit may nagpapanggap na susunod na reyna? Pang-apat, sino ba si Kyline?" tumingin ako sa mata niya.

Inubos niya ang wine niya at nilagay ang glass wine sa maliit na table na katabi niya.

"Then I got a wrong information about that. And you should care because it's your safety we're talking about. May nagpapanggap dahil lumayas ka at hindi pwedeng malaman ng iba na nawawala ang susunod na reyna. And Kyline is your niece." malamig na sagot nito.

"Pamangkin? Kanino?" takang tanong ko. Pamangkin ko ang impostorang yun.

"Verux." maikling sabi ni Ate Lia.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now