<#9.First Day>

225 21 0
                                    

Nyx/Nathalia's POV

Ang saya kapag may mga bago kang kaibigan.

Ngunit weird sa pakiramdam dahil iba iba kayo. Ang ibig kong sabihin ay ang pagiging iba namin sa isa't isa. Ang alam mong hindi kayo magkakasundo dahil sa pagiging iba niyo.

Katulad ng mga bagong kaibigan  ko ngayon, iba iba kami ng lahi, iba iba ang pananaw sa buhay, sa kaugalian.

Ngunit narito kami sa isang study shed nagtatawanan at nagkukwentuhan na hindi alintala ang pagkakaiba namin sa isa't isa.

Coralline Merrill Solis ay isang mermaid. Lorycs Clad Wiles, isang werewolf. Flaurelle Haira Calin, isang witch. Alwin Flint Harris, isang elemental. Devlin Milber Callis, isang demon. At ako bilang isang vampire.


Sa kabila ng pagkakaiba namin ay masaya kaming nagkukwentuhan ng kung ano-ano sa isang study shed dito malapit sa dormitory ng mga babae.

"Hahaha hindi ko alam na ang pangit mo pala Harina." sabi ni Lorycs sabay hawak sa tiyan.

"Excuse me, maganda pa rin kaya ako kahit na maraming sulat na 'tong mukha ko." sabi ni Flau sabay simangot dahil sa pagka-irita kay Lorycs

"At hindi Harina ang pangalan ko, its Flaurelle at hindi flour." dagdag pa niya.

Naglalaro kami ngayon ng 'find the killer' kung ano man ang tawag dito. Syempre dahil mabait ako (w/ sarcasm), ay nandaya ako hehe. Well hindi lang naman ako, si aso din este si Lorycs. Ginamit ko lang naman ang paningin ko para malaman ko kung ano yung nakuha nila sa pamamagitan ng pagtingin sa mata. May reflection kasing makikita sa mga mata nila. Kay Lorycs naman ay ganun din. Katulad saming mga bampira matatalas din ang mga mata ng mga werewolves.

"Ang daya niyo namang dalawa. Marami nang sulat itong mukha ko sa inyo wala pa rin." maktol ni Coral at tinuro kaming dalawa ni Lorycs na hindi pa nasusulatan ang mukha.

"Hahaha 'sensya na." natatawa kong sabi.

"Guiz, tingin ko kailangan na nating magpahinga." sabi ni Alwin.

"Sayang hindi ako nakapaglibot." sabi ko, nakalimutan ko tuloy dahil sa laro namin.

"May bukas pa naman eh. Don't worry, sasamahan ka namin bukas." sabi ni Delvin na nakangiti.

"Okay." nakangiti kong sabi.

Nagpaalam na kami sa tatlo at pumasok na sa domitoryo ng mga babae.

"Hayy, nakakapagod." sabi ni Flau at humiga ng kama.

Dumeritso naman si Coral sa banyo. Baka maghihilamos dahil siya ang may pinakamarami sulat sa mukha.

Pumunta naman ako sa kama ko at umupo. Kinuha ko ang gamit este pagkain na dala ko kaninang umaga. Haha tinakaw ko yung mga cookies ni Mama na nakatago. Hindi naman siguro siya magagalit kung apat na garapon ang kinuha ko diba? hehe...

"Gusto mo Harina este Flaur." binigyan niya ako ng masamang tingin dahil sa pagtawag ko sa kanya.

"Hehe sorry. Ito cookies, gusto mo?" sabay pakita ang isang garapon ng cookies sa kanya. Tumayo siya na akala ko ay pupuntang kusina pero lumapit siya sakin.

Vampire Queen's Runaway DaughterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt