<#1.Escape>

698 25 1
                                    

Nyx' POV


*Inhale*

*Exhale*

*Inhale*

*Exhale*

*Inhhaallle*

"AYUN SIYA. HULIHIN NIYO SIYA. TAYO ANG MALALAGOT KAPAG NALAMAN NIYA ITO." naman oh?! Bakit ba hindi pa rin sila sumusuko?

Tatakbo na sana ako ng mabilis ng maalala kong nasa mortal na pala ako. At wala silang alam tungkol saming lahi.

Kainis! Wala na'kong pagpipilian kundi ang tumakbo ng mabagal at makipagsiksikan sa mga tao dito. Bakit ba kasi ang daming tao? Pero nagpapasalamat pa rin ako dito. Mapapadali ang pagtakas ko sa kanila kung makipagsiksikan ako dito.

Pinagbabawal ang paggamit ng kapangyarihan dito sa mundo ng mga mortal. Maaaring may kasiyahan dito sa kanila kaya ganito lamang ang kanilang mga galaw.

Pilit ko pa rin iniiwasan ako nga taong ito. Ngunit sadyang ang malas ko huhuh.

"Aray- p-pasensya na hindi ko sanasadya." paghingi ko ng tawad sa pader este nilalang na nabangga ko na kasing tibay ng pader. Ako ang bumangga, ako rin ang nasaktan. Katulad sa pag-ibig, ikaw na ang nagmahal ng lubos, ikaw pa ang lubos na nasaktan. Di ba ang unfair?

Geez ang bata mo pa Nyx humuhugot ka na.

"Prinsesa!" pagtawag pansin niya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya at nanlaki ang aking mga mata ng makilala kung sino ang aking nakabangga.

"Kuya M--" naputol ang aking sasabihin ng takpan niya ang aking bibig gamit ang kanyang kamay. Hinila naman niya ako mula sa nagkukumpulang mga tao papunta sa isang eskinita. Madilim kahit maaraw pa at sobrang baho. Ano ba yan?!!

"Ipagpaumahin niyo ngunit wala na kayong mapupuntahan pa nakapalibot na ang mga naghahanap sayo. Kaya ito na lang ang naisip naming paraan upang makatakas ka." sabi niya na may bahid na pag-alala sa kanyang mukha.

"Ayos lamang kung wala namang mapapahamak sa ating dalawa." sabi ko naman sa kanya na nakangiti.

Nakita ko ang unti unting pagbabago ng kanyang anyo. Mula sa isang lalaking matikas at matipuno naging isang babaeng may itim na buhok hanggang bewang na kamukhang kamukha ko. Ito ba ang kanyang kakayahan? Ang gumaya ng anyo?

"Patawad ngunit ito lang ang naisip niyang paraan" sabi niya na aking kaboses.

"Ngunit mapapahamak ka kapag ginawa mo ito." sabi ko sa kanya. Umiinit na ang dalawang sulok ng aking mata.

"Huwag kang mag-alala Prinsesa. Kaya kong takasan ang mga alagad niya. At isa pa, gagawin ko ito para sa pinakamamahal ko." sabi niya na may ngiti sa kanyang labi at may pagmamahal sa kanyang mga mata.

"Mahal mo talaga siya no?" sabi ko sa kanya at siya'y niyakap.

"Suotin mo ito para hindi ka nila maamoy. Pagkalipas ng sampung minuto saka ka lamang lalabas. Nauunawaan niyo ba ako Prinsesa?" tumango lamang ako. Lumabas na siya at naiwan ako dito.

Nakalipas ang sampung minuto ay lumabas na ako ng eskinita. Naglakad lakad lang ako para walang makahalata. May nakita akong sasakyan na may apat na gulong, lumapit ako doon at sumakay. Buti na lamang at may pera ako. Hindi naman ako ganun katanga para walang alam sa mundong pinasukan ko. Nakaplano na ang lahat pati nang aking matitirhang bahay.

Nakalipas ang limang oras ay huminto na rin ang sasakyan. Bumaba na ako at naglakad patungo sa sasakyan na may tatlong gulong. Pinakita ko sa kanya ang papel na hawak ko na kung saan nakasulat ang lugar ng bahay.

Vampire Queen's Runaway DaughterМесто, где живут истории. Откройте их для себя