<#72.ELI's Castle>

134 11 0
                                    

Rene's POV

Malapit ng maghatinggabi ngunit hindi na ako bumalik sa mesa ng mga kaibigan ko.

Dahil sa nalaman nila ay naramdaman ko ang pagkaayaw nila sa aming mga Blood Breaker.

"Rene bakit hindi ka bumalik doon sa mga kaibigan mo?" tanong ng aking Ina.

"Ayos lamang iyon Ina." sabi ko at napatingin sa mga kaibigan ko. Napatingin naman sakin si Devlin kaya binalik ko ang tingin ko sa aking Ina.

"Sige na *cough*cough*" hinagod ko ang likod ng aking Ina ng umubo siya.

"Ayos ka lang ba Rissa?" nag-aalalang tanong ng aking Ama.

"Ayos lamang ako Reniel." sabi naman ng aking Ina.

"Mabuti siguro kung umuwi na tayo." mungkahi ni Ama.

"Ihahatid ko na lamang kayo." sabi ko at tumayo na.

"Huwag na Rene, ako na lang. May bibilhin din kami ni Maya eh." sabi ni Kuya Richard.

Magpapaalam sana kami muna kay Prinsesa Lia ngunit hindi na siya bumalik matapos ang sayaw nila ni Kuya Max kaya kay Nyx at kay Prinsesa Serilla lamang kami nagpaalam.

Sumakay na sila ng kotse at umalis na.

Pumasok ako sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina. Umupo ako doon habang nakatingin sa labas ng bahay.

Kakausapin ko ba sila?

"Oh Rene bakit ka nandito?" biglang tanong ni Nanay Lucy ng pumasok siya.

"Ah wala Nay Lucy, may iniisip lang." sabi ko.

"Alam mo Rene, hindi ko, namin, alam na isa ka palang Blood Breaker. At masaya akong nakilala ang isang ni Rene Clarisse Varrs. Kaya huwag mag-alala, matatanggap ka rin nila." sabi ni Nay Lucy at niyakap ako.

"Tama si Nay Lucy." sabi ng isa pangboses at yumakap kaya tiningnan ko kung sino ito.

"Nyx?"

"Hindi na ba kita maaaring yakapin?" birong tanong niya at hinigpitan pa nila ang yakap.

"Sige, tulog muna ako. Wala akong tulog kagabi." sabi ni Nyx at umakyat sa ikalawang palapag.

"Halika na sa labas." sabi ni Nay Lucy at hinatak ako.

Nakita kong nagsasayawan ang mga tagabantay ng Luer kasama na sina Ate Kaye at Ate Darcey. Pinipilit naman nina Tatay John ang asawa niya na si Nanay Anna na masama ang tingin sa kanya.

Kaya napatawa kami ni Nanay Lucy hanggang lumapit si Tatay Lance.

"Rene maaari ko ba munang hiramin ang asawa ko?"

"Hoy Lance hindi ako bagay na hini---" hindi na natapos ni Nanay Lucy ang sasabihin niya ng hinatak na siya ni Tatay Lance para sumayaw.

Napatawa naman ako sa mga galawan ni Tay Lance sa pagsasayaw. Giling ng giling talaga eh.

"Rene, kamusta kana?" napalingon naman ako ng may nagtanong.

"Ikaw pala Jake. Ayos naman. Ikaw, kamusta na?" tanong ko pabalik.

Mas matanda si Jake ng 20 taon sakin pero ayaw niyang tawagin ko siyang kuya.

"Ayos din naman. Gusto mong sumayaw?" alok niya.

Tatanggapin ko na sana ang kamay niya ng may kumuha ng kamay ko.

"Pasensya na, ako muna ang sasayaw sa kanya." sabi ni Devlin.

Hinatak niya ako papunta sa gitna at naging mabagal ang tunog.

Nilagay niya sa balikat niya ang kamay ko at hinawakan ang isa ko pang kamay ko. Namula naman ako ng hawakan niya ang bewang ko.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now