<#43.Battle Competition: Demons and Bets>

170 16 0
                                    

Devlin's POV

Nang makababa na si Alwin sa intablado dahil nga siya ang nanalo sa Elementals ay binigyan ulit kami ng sampung minuto para makapagpahinga naman daw ang mga Elementals.

Tahimik lang ako nakaupo sa upuan ko ng maramdaman kong parang may nakatitig sakin kaya tiningnan ko ang direksyon kung saan ko naramdaman iyon.

Nakita ko si Ina na nakangiting nakatingin sakin kaya tipid ko itong nginitian.

Napansin kong umilaw ang papel sa bag ko kaya kinuha ko ito.

'Yes, panalo ako hahaha!'~ Alwin

'Yabang.'~ Flaurelle

'Congrats Bro.'~ Lorycs

'Congrats Al.'~ Coralline

'Ang galing mo Alwin. Congrats.'~ Nathalia

'Congrats.'~ Devlin

'Thanks. Sino ang susunod? Pusta ko 20 sium (gold) coins ang mga Witches and Wizards na ang susunod dahil masungit si Prinsesa Harina.'~ Alwin

'Hindi Harina ang pangalan ko. Pusta ko 200 dium (silver) coins ang mga Lobo ang susunod.'~ Flaurelle

1 sium (gold)= 10 dium (silver)

'Eh? Pareho lang naman ang halaga nila Flaur. Sakin ang mga Lobo din, 100 sium coins.'~ Coralline

'100 sium coins din sakin sa mga Bampira.'~ Lorycs

'Me too, 100 sium coins for the Vampires.'~ Devlin

'Sige bah. Sa mga Demons naman sakin, 100 sium din.'~ Nathalia

'Ang laki ng 100 sium coins pero payag ako.'~ Flaurelle

'Game din ako.'~ Alwin

Natapos na ang sampung minuto kaya nagsibalikan na ang mga estudyanteng lumabas kanina para bumili ng makakain.

"Ngayon, sisimulan na natin ang ikatlong laban sa araw na ito." sabi ni G. Seth at may lumitaw na bowl sa kamay niya.

Bumunot ulit si Bb. Hale at hinihintay kong sabihin nito ang pangalan ng lahing susunod na lalaban. May pusta kaya ito ng 100 sium coins.

"DEMONS!"

Masaya nitong sabi. Napabagsak naman ako ng balikat ng kami na ang susunod. Umilaw ang papel na hawak ko kaya tinignan ko ito.

'Panalo ako hahaha. 500 sium coins mamaya ha?! °.*\( ˆoˆ )/*.° '~ Nathalia

'Madaya'~ Lorycs

'Hmp Whatever. Good luck Dev.'~ Flaurelle

'Yeah good luck!"~ Coralline

'Beat them bro.'~ Alwin

'Go win bro.'~ Lorycs

'Best of luck Devlin.'~ Nathalia

Hindi na ako nagsulat pa at binalik sa bag ang papel. Sumunod naman ako sa mga kalahi ko na bumaba para pumasok sa Battle Ground.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now