<#65.Scolding the Princes and Princesses of Vampir>

158 9 0
                                    

Veronycka's POV

Napahawak ako sa dibdib ko na nakaharap salamin dito sa aking opisina.

Hindi ko inaasahan ang suntok na iyon kaya napatalsik ako. Muntikan pang masunog ang damit ko dahil doon.  ̄へ ̄

"Masakit ba?"

"At talagang tinatanong mo pa sakin 'yan ah? Baka nais mong subukan Jing para malaman mo?" tanong ko at pinaapoy ang kaliwang kamay ko na nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.

"Sabi ko nga manahimik na."

Bumukas ang pinto ng aking opisina at niluwal nito ang aking panganay.

"Nakita mo ba siya?" tanong ko at hinarap siya.

Alam kong si Night ang babaeng nababalot ng apoy kanina. Hindi naman pwedeng si Ina iyon dahil nasa ELI pa siya at bukas pa ang uwi.

"Oo at siguradong nasa silid na niya siya ngayon." sabi niya at umupo sa sofa.

"Nagkausap ba kayo?" umiling siya sa tanong ko.

"May nakausap ba siyang iba?" tanong ko muli.

"Zedrix."

Si Zedrix? Alam niya ba na si Night iyon?

"Dahil kompleto naman tayo, bakit hindi tayo magsama samang kumain ngayong tanghalian? Jing mag-utos ka ng tagapaglingkod na imbitahin ang mga kasamahan ni Night para magtanghalian. At ikaw na rin pumunta sa silid niya para sabihan siya." tumango naman siya agad ngunit bago pa siya makaalis ay may kumatok sa pinto kaya binuksan niya muna ito.

"Prinsipe Verux mabuti at nandito na kayo. Kanina pa kayo hinihintay ng Reyna." nakayukong sabi ni Jing.

Napatingin naman sakin si Lia at tumayo. Naunawaan niya siguro kung bakit pinatawag ko si Verux. Syempre matalino, mana sakin hehe ^_^

"Aalis na po ako mahal na Reyna." sabi ni Jing kaya tinanguan ko siya. Sabay silang lumabas ni Lia.

"Maupo ka Verux." seryosong sabi ko. Hindi na ako natutuwa sa pinaggagagawa ng batang ito.

"Bakit mo ako pinatawag Ina?"

"Alam ko't alam mo kung bakit kita pinatawag Verux." mariin kong sabi.

"Ikaw ang namamahala sa piitan at naniwala ako sa mga ulat na natatanggap ko mula sayo linggo-linggo." sabi ko at itinapon sa kanya ang mga ulat na ginawa niya simula ewan. Hindi ko alam kung kailan ito nag-umpisa.

"Kailan pa nag-umpisa ito Verux?" tanong ko ngunit nanatili lamang siyang tahimik.

"Sagutin mo ang aking katanungan Verux Lazzarus Bloodsworth? Kailan?"

Rinig ko ang paglunok niya. Alam niyang kapag buong pangalan na niya tinawag ko ay seryosong seryoso na ako.

"Tatlong taon na ang nakakaraan." sagot niya.

"Ganun na katagal? Ganun na katagal ang walang katotohanang mga ulat na ito?" napahilamos naman ako ng mukha dahil sa pagkainis.

"Verux Lazzarus kahit na nagkasala ang mga bampirang nasa piitan, may karampatan silang parusang matatanggap na naaayon sa batas natin at hindi ikaw o sino man ang may karapatan na magbigay ng parusa na wala sa batas o ilagay sa sariling mga kamay."

Hay parang ako hindi 〒_〒

"Nararapat lamang sa kanila ang kanilang natanggap." sabi niya. Kailan ka ba matututo Verux? Manang mana ka sa iyong Ama.

"Nararapat? Verux ang ibang bampira sa piitan ay mababaw lamang ang pagkasala. Paano mo nasasabing lahat sila ay nararapat na makatanggap na parusang ibinigay mo?"

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now