<#69.Onex Vanhelsing>

150 7 0
                                    

Vrnyxia's POV


"Bakit ka nandito at hindi sumama pabalik sa Diel Forest?"

Malamig na tanong ni Ate na hindi ako tinitingnan.

"May pupuntahan pa kasi ako." nakangiti kong sabi.

"Gerome, ilan ang babayaran ko." sabi ni Ate sabay ligpit ng kayang mga papeles.

"Wala na Prinsesa Lia. Maraming salamat pala sa pagpunta." sabi ng lalaking nagpupunas ng mesa.

Tumango naman si Ate Lia at lumabas na ng kainan.

"Sino ang batang kasama niya Gerome? Isa na naman bang estudyante na pinapaaral ni Prinsesa Lia." sabi ng isang babaeng bampira na nagtatarabaho dito.

"Paumanhin ngunit anak niya ako." nakangiti kong sabi.

"ANO?" gulat na sigaw nilang dalawa.

Maliban kasi sakin at kay Ate na lumabas na ay sila lang dalawa ang naririto.

"Anak ka ni Prinsesa Lia?" hindi makapaniwalang tanong ng Gerome.

Tatango na sana ako ng...

"Aray!" napaupo naman ako ng pinalo ni Ate Lia ang ulo ko.

Huhuhuh ang sakit!

"Pinagsasabi mo? Huwag niyong pansinin ang sinabi niya. Anak siya ni Merlita." sabi ni Ate Lia at sinamaan ako ng tiningin.

"Ganun ba Prinsesa Lia?"

"Aalis na kami Gerome, Shelly. Ipadala niyo kay Max ang mga nakuha niyong impormasyon." sabi Ate Lia at hinatak ako palabas ng kainan. Kumaway naman ako ng paalam sa kanila.

"Ano ba ang pinagsasabi Nyx?" tanong ni Ate Lia ng sumakay kami ng sasakyan niya. Nasa front seat ako kaya magkatabi kami.

"Nais mo bang pag-usapan ako ng mga kapwa nating bampira na nakarinig?" malamig na tanong niya.

"Huwag kang mag-alala Ate Lia. Kontrolado ko ang pananalita ko at isa pa alam ko namang tapat sila sayo.^ω^" nakangiti kong sabi.

Kasama iyong sa totoong kakayahan ng mga bampira. Ang magsalita na kontrolado lang ang nakikinig o ang nais mo lang makarinig ay yun lang ang makakarinig.

Hindi siya nagsalita pa. Walang komento?〒_〒

"Ate saan ba tayo pupunta?" takang tanong ko.

Nasa Sentro pa rin kami ng Vampir.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang boutique. Anong gagawin niya dito?

Bumaba siya ng sasakyan kaya bumaba na rin ako para sundan siya papasok.

"Dyan ka lang at huwag kang papasok. Baka kung ano na naman ang sabihin ng madaldal mong bibig." malamig na utos niya.

"Hmp." napasandal ako sa sasakyan na nakabusangot. Maglalakad muna ako para tingnan kung ano ang ibang bilihin dito.

Habang nakatingin ako sa isang bilihan ng mga mamahaling alahas ay hindi ko napansin ang bampirang aking nakabunggo sa paglalakad.

Mas malaki siya akin pero siya pa itong natumba.

"Paumanhin hindi kita naramdaman." sabi niya.

Hindi ba dapat ay nakita?

"Ayos lamang po. Tulungan ko na po kayo." sabi ko at tinulungan siyang tumayo.

"Ako nga dapat po ang humingi ng tawad dahil hindi sa daan nakatuon ang aking pansin." sabi ko at yumuko.

"Isa pa lang binibini ang aking nakabungo at ako pa itong bumagsak sa lupa." natatawang sabi niya.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now