<#15.Battle>

191 19 0
                                    

Nyx' POV

Bumangon na ako at naligo bago pa magising ang dalawa. Maaga pa naman, 5 pa lang at may tatlong oras pa sa paghahanda. Babalikan ko nalang sila kung hindi pa sila makabangon, mga quarter to 6.

Hindi pa rin humihilon ang sugat ko dahil sa nangyari kagabi. Hindi pagpapalabas lang naman ng apoy ang ginawa ko kundi masam rin ng loob.

Dumeritso ako sa Cafeteria at kumuha ng pagkain. Buti naman at maliit palang ang mga estudyanteng naririto. Kahit may benda ang kamay ko ay alam kong hindi pa rin humihilom ang sugat ko kahit ilang baso na ng dugo ang nainom ko.

Its quarter to 6, kailangan kong tingnan kung gising na ang dalawa. Naglakad ako palabas na ng Cafeteria ng may mabangga ako kaya natumba ako.

"Ouch." daing ko habang nakahawak ang kamay ko sa noo. Dinig na dinig sa buong Cafeteria ang pagbagsak ng pwet ko dahil sa katahimik dito sa loob.


"Let me help you."


T-Th-that v-vo-voice. It's h-her.


A cold voice that's giving me chill whenever I hear it.

Tiningnan ko ang paa ng may-ari ng boses at—at sa kanya nga. Napalunok naman ako ng ilang beses dahil sa takot sa babaeng kaharap ko ngayon.

"I-I— I'm so-sorry Q-Qu-Queen. I-I didn't k-know. Pa-patawad po." nakayuko kong sabi. Hindi ko maiwasan na manginig at makapagsalita ng maayos.

"Kilala mo ako kahit hindi mo pa ako tinitingnan." sabi niya at hinawakan ang braso ko.

Dumoble ang kaba ko at pangangatog ng tuhod ko dahil sa pagpatayo niya sakin. Napakagat ako ng ibabang labi dahil parang akong isang kuneho na pinaharap sa isang mabangis na leon.

"Da-dahil po sa pre-presensyang taglay ni-niyo po, Mahal na Reyna." nauutal kong sabi.

Binitawan na niya ang braso ko at pinipilit ko lang tumayo ng matuwid dahil nangangatog pa rin ang mga tuhod ko. Iharap niyo na ako sa pinakapangit na halimaw dito sa Immortalis huwag lang sa babaeng ito.

Nabaling ang tingin niya sa likod niya ng may tumawag sa pangalan niya.

"Veronycka!"

Mabilis akong umalis doon kahit na muntikan na akong madapa ng paulit ulit. Napaluhod naman ako ng makarating dito sa tabing dagat. Napasandal ako sa bato at niyakap ang tuhod ko.

Kailangan kong kumalma. May laban pa kami mamaya at kailangan naming manalo. Tumayo ako at pilit na pinapakalma ang nangangatog kong mga tuhod.

Bakit ba kasi ngayon ko siya nakita? Kahit hindi ko makita ang itsura niya, sapat na ang boses niya para manginig ako. At isa pa bakit siya nandito?

Bumalik ako sa dorm ko at naabutan kong nagbibihis na ang dalawa. Kinuha ko ang damit na susuotin ko sa laban at pumasok sa banyo at naligo muli.

Nang makalabas ako ay naghihintay na ang dalawa.

"Nath, bakit yan ang suot mo?" tanong ni Flaur.

Isang black fitted long sleeve at skinny jeans na pinaresan ng black rubber shoes. Wala namang mali sa suot ko ah.

"Ah pangit ba?" tanong ko umiling naman sila.

Nakasuot si Flaur ng purple sleeveless shirt na pinarisan ng white leggings. Suot rin niya ang witch hat niya na kulay white. Si Coral naman ay green sando at gray short na four inches above the knee. Edi ako na si Lady No Fashion.

Vampire Queen's Runaway DaughterWo Geschichten leben. Entdecke jetzt