<#16.Meet Again>

201 17 0
                                    

Nyx's POV

Nandito ako ngayon sa forest ng kanang bahagi ng school. Sa pinakamataas na puno dito sa forest ako umuupo. Mula dito ay makikita ang lawak ng Open Field hanggang sa gate ng school. Ganun din ang dagat na nasa likod ng school.

Isang buwan na ang nakalipas ng magkatapat kami ni Kyline sa Battle Arena. Isang buwan ko na rin iniiwasan sina Coral dahil sa ginawa nila.

Simple lang naman ang ginawa nila. Pagtatrayidor. Simpleng salita ngunit sobrang sakit ng epekto nito na maaaring ikamatay mo. Hindi naman sa lahat ng oras.

Hindi sila sumunod sa na pagplanuhan. Ang plano ay punuin ang Arena ng tubig upang may malalanguyan si Coral habang pinipigilan namin sina Kyline na lumapit sa kanila. Pagkatapos ay dapat mag-regroup. Ang dapat gawin ni Coral ay hilain pababa sila isa-isa. Kung makaahon naman sila ay dapat makagawa na agad ng illusion si Flaur.

Pero ang nangyari ay tinulak ako ni Alwin at ginapos ako ng tubig na lubid. Nagpatalo sila at nagpanggap na nawalan ng malay.

Alam ba nila na nanunuod ang reyna ng mga bampira kaya nila ginawa iyon? At akala ba nila ay tanga ako para maniwala sa pagpapanggap nila sa laban?

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sila pinapansin. Kung sa dorm ay pinapansin ko sila kung una nila akong pansinin. Sa classroom ay ganun din.

Kapag kasama ko naman ang ibang bampira sa klase na kasama si Kyline ay palagi akong binubully. Naranasan ko naring maligo ng itlog at basura kaya tsek na yun sa -i want to do- list ko. Hinahayaan ko lang dahil wala silang magawa sa buhay nila.

Tuwing tapos na ang klase ay dito ako dumidiretso at hindi sa study shed o sa tabing dagat na pinag-eensayuhan namin noon. Hanggang magcurfew ako dito pero di naman ako nahuhuli dahil mabilis akong nagtatago kung may makasalubong akong teachers.

Tulad ngayon, lumipat ako sa kabilang puno dahil malapit na akong makita ng isang teacher. Mabilis akong bumaba at nagtago sa punong iyon. Nang makadaan na sila ay mabilis naman akong tumakbo papunta sa dorm.

Pagbukas ko ay akala ko tulog na sila pero mali pala ako.

"Good eve Nath. Gusto ko mo ng chocolate cake?" alok ni Coral. Umiling naman ako.

Kumakain sila ngayon ng chocolate cake. Hindi ako kumain ng agahan, tanghalian at hapunan and chocolate cake is not a best choice to eat when you haven't eaten anything.

Kinuha ko ang damit ko at pumasok sa banyo para maligo. Noong araw na nagpalabas ako ng pulang apoy ay tatlong araw bago gumaling ang sugat ko. Ngayon ay puno ulit ng sugat at paso ang kamay ko dahil sinubukan ko ulit kagabi. Bago lumabas ng banyo ay benindahan ko muna ng itim na benda na hiningi ko sa clinic kanina.

Paglabas ko ay kumakain pa rin sila kaya pumunta ako sa kusina para kunin ang cookies na ginawa ko dahil namimiss ko na ang gawa ni Mama.

"Nandito lang yun ah." bulong ko sa sarili ko. Dito ko lang nilagay ang tatlong garapon ng cookies ah.

"Anong hinahanap mo Nath?" tanong ni Flaur.

"Aahh ahmm ang cookies na nilagay ko dito." sagot ko.

"Soory Nath, ang sarap kasi ng cookies kaya shinare ko kayla Lorycs kanina." sabi ni Coral.

"WHAT—sorry. I... ugh... nevermind." sabi ko. Hindi ko naman intensyon na sumigaw pero...haay.

Humiga na lang ako kahit kumakalam na ang tiyan ko. Naalala ko, hindi pala ako nakakain kagabi at hindi rin ako naka-inom ng dugo ngayong araw. Hindi rin ako pwedeng pumunta sa Cafeteria  dahil curfew na at sarado na yun. Wala na ring dugo sa loob ng ref dito sa kwarto namin.

Vampire Queen's Runaway DaughterKde žijí příběhy. Začni objevovat