<#18.Relief>

202 16 0
                                    

Third Person's POV



"Phoenix-like." sabi ng Demon King.

"One of the legends." sabi naman ng Elemental King.

"Una na ako." malamig na sabi ng Vampire Queen.

Napatingin naman ang ibang pinuno sa kaibigan nilang naglalakad paalis. Napatingin sila sa dumudugong kamay ng reynang bampira. Napakunot ang noo nila dahil hindi pa rin gumagaling ang sugat nito.

"What happened to Veron's hand?" tanong ng Mermaid Queen. Nakaupo ang Reyna sa lupa dahil sa pagod ito mula sa paglabas ng napakaraming tubig para sa pagpatay ng apoy na hindi man lang naapektuhan.

"Sa kanya ka magtanong Moirah." sabi ng Witch Queen habang inaayos ang suot nito. Hindi pa rin mawala sa kanila ang pagtataka sa nasaksihan nila.

"Nagtatanong lang Criftal." sabi ng Mermaid Queen kasabay ng pagtayo nito mula sa kinuupuan.

Nabaling naman ang tingin nila sa Headmaster sa nakatulala pa rin sa forest. Hindi ito makapaniwala sa nakita niya.

"*ehem*" napabalik naman sa sarili ang Headmaster dahil sa pagtikhim ng kanyang Hari.

"Pasensya na King." nakayukong sabi niya.

"Nais kong imbestigahan mo ang nangyari at alamin kung sino ang gumawa ng pula at asul na apoy. Abisuhan mo kami kaagad sa mga makakalap mong impormasyon ukol dito." sabi ng Demon King. Napatango naman ang Headmaster sa utos sa kanya ng kanyang hari.

"Halika na Hellion." aya na sabi ng Alpha King sa kaibigan na kinakausap ang Headmaster.

"Huwag ka ngang atat jan Lykus." asar ng Elemental King sa kaibigan niyang si Alpha King.

"Manahimik ka Safwen." sabay suntok sa kaibigan sa braso.

"Tama na yan. Hali na kayo, alam niyong masamang paghintayin ang Renya na may pulang mata." sabi ng Witch Queen. Tinutukoy nito ng unang umalis na Reyna.

Nasa labas na ng Mixtus High ang Reyna mga Bampira na si Veronyka. Nasa loob siya ng kotse kasama ang kanyang sekretarya na si Jing.

Ilang ulit na tinawag ni Jing ang Vampire Queen ngunit parang wala nitong naririnig kahit na malakas ang pandinig nila. Nakatingin lamang ito sa kamay niyang may sugat galing sa apoy kanina.

"VERONYCKA!" sigaw ni Jing kaya napabalik sa sarili ang Reyna.

"Huwag ka ngang sumigaw Jing." iritang sabi ng Reyna sa katabi niya.

"Kanina pa kita tinatawag Queen. Anong nangyari jan sa kamay mo at kanina mo pa pinagmamasdan?" napansin ito nang sekretarya niya kaya tinago niya ito.

"Wala pa ba sina Criftal?" pag-iiba niya ng topiko.

"Wala pa po Queen." sagot ni Jing sa tanong niya.

"Ang tagal naman nila." iritang sambit niya.

"Sabi sa inyo eh." sabi ng Witch Queen sa mga kasama niya. Nakatanggap sila ng masamang tingin mula sa kanina pang naghihintay na Reyna ng mga bampira.




~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Coralline's POV

Vampire Queen's Runaway DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon