<#56.History Books>

178 11 0
                                    

Jing's POV

Aanhin ko ang kabayo kung mas mabilis pa akong tumakbo dito.

At aanhin mo ang napakaraming libro kung titingnan mo lang ito.

Ang sabi ni Queen ay hanapin ko ang lahat ng history books sa silid aklatan. At ginawa ko naman ang utos niya. At dahil alam kong hindi kakasya sa opisina niya ay nilipat ko ito sa isang silid na hindi ginagamit.

"Queen ano bang gagwin mo sa mga iyan?" tanong ko.

"Mag-aaral ulit ng kasaysayan." nakangiti nitong sabi.

–_–!!!

Lumapit siya sa mga ito at kinuha ang isang libro.

"Ito." at hinagis niya sa taas.

"Saluhin niyo." buti na lang at may mga kasama kami ditong mga katulong.

"Ito. Ito. Ito pah... Oh this is good... This... And this......"

Hanggang sa wala na siyang napiling libro.

Mahigit isang libo ang nakita kong libro ng kasaysayan sa silid aklatan. At ang napili niya ay 95 books.

"Itala niyo ang mga panglan ng mga libro iyan at ibigay sakin. Ang ibang mga libro ay ibalik niyo sa silid aklatan." utos ng mahal na Reyna at umalis na. Rinig ko namang humikab ito kaya alam kong matutulog ito sa silid niya. Ilang gabi na rin kasing wala siyang tulog.

Ang lahat ng napili niyang libro ay mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Vampir at ng buong Immortalis.

Ano naman ang kakailanganin niya sa mga librong ito?

"Bb. Jing bakit kailangan ng Reyna ng mga ganitong libro?" tanong ni Lou, short for Louise. Isa siyang katulong dito sa loob ng palasyo.

"Hindi ko din alam pero kung ano ang iniutos niya ay sundin niyo na lamang." sabi ko.

Hanggang sa natapos kami sa paglilista. Ibinigay nila sakin ang isinulat nila. Binalik naman nila ang mga aklat na hindi pinili ng Reyna nang umalis ako para ibigay sa kanya ang mga pamagat ng libro at mga akda nito.

*knock*knock*knock*

"Queen?" tawag ko sa labas ng pinto.

"Yes?"

"Ako ito si Jing. Narito na ang listahan ng librong napili mo."

"Pumasok ka Jing."

Kaya binuksan ko ang pinto. Wala siya sa higaan niya kaya baka sa balkonahe siya.

"Queen?"

"Tapos na?" binigay ko naman sa kanya ang listahan.

Nakaupo sa sa isang mababang upuan na nakaindian sit at kumakain ng pea stick.

"Hmm." at tumango.

Binalik naman niya sakin ang listahan.

"Mahal na Reyna anong gagawin ko dito?"

"Bilhin mo ang lahat ng librong yan sa Aklaton na tig-isang kopya. Gusto ko malinaw ang mga sulat nito at maayos. Pagkatapos ay ibigay mo ito ng personal sa batang sinasabi mo noong araw sa Mixtus."

"Sa bata? Ahh...Sa ana---!" naputol ang sasabibin ko ng sinamaan niya ako ng tingin.

Sinunod ko ang utos niya. Pumunta ako dala ang sasakyan ko sa Sentro ng Vampir para bumili ng aklat sa Aklaton. Ang Aklaton na nandito sa Vampir ay isa sa mga branch na pagmamay-ari ng isang witch. Ang main branch nila ay sa Hexen, land of Witches.

Vampire Queen's Runaway DaughterWhere stories live. Discover now