<#86.Fetching a Vanhelsing>

88 6 0
                                    

Vrnyxia's POV

"Ughh so boring."

Tiningnan ko lang ang babaeng nakasubsob ang mukha sa mesa sa harapan ko.

"Ano ba ang pwedeng gawin? Hindi naman tayo pwedeng lumabas palasyo dahil grounded tayo." sabi ko kay Kyline.

"Kung hindi lang dumoble ang mga bantay sa palasyo ay kaya ko pang tumakas tsk."

"Tingin mo ba makakatakas ka?" sabi ko sabay turo sa pintong hindi nakasara ng maayos.

May matang nakasilip doon. Utos ni Kuya Verux na bantayan kaming dalawa ni Kyline bawat kilos na gawin namin.

"Creepy."

"Agree."

Nandito kaming dalawa sa silid aklatan mula nang matapos ang agahan.

Balot pa rin ang Vampir ng nyebe.

At wala dito si Ina sa palasyo.

Mula ng matapos ang kwento niya at masagot ang mga tanong nila Ate at Kuya ay agad siyang umalis.

Hindi na rin ako nagtanong at nakinig na lamang sa kanila.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa pinto na ipinagbabawal daw naming pasukan.

Binuksan ko ang pinto at pumasok na.

Muli kong tiningnan ang sahig kung nandoon nga ang pangalan na nakita ko noong nakaraan.

Mukhang mapa ito.

Tinulak ko ang lahat ng istante sa gilid kaya nakumpirma kong mapa nga ang nasa sahig.

Alam ko ang mga lupain at ang malalaking lugar sa Immortalis ngunit ngayon ko lang nalaman na may isa pa palang isla hindi ko alam.

Ang Ryllum.

Bakit ngayon ko lang alam ito?

"Hey, anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kyline sa pinto kaya hinarap ko siya.

"Nothing. Alam mo ba kung ano ang Ryllum?" umiling naman siya sa tanong ko.

Kung ganoon kailangan kong tanungin si Ina o 'di kaya si Kuya Verux.

Lumabas ako sa silid aklatan sabay higit kay Kyline.

"Sandali, saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Wala dito ang Reyna kaya si Prinsipe Verux ang pupuntahan natin." sagot ko.

Maraming nakatingin at nakikinig samin na mga tagapaglingkod at mga kawal ng palasyo kaya hindi ko pwedeng tawaging Ina ang Reyna o Kuya si Kuya Verux.

Nasa ikaapat na palapag siya dahil sila na muna daw nina Ate Zaf at Ate Dec ang magbabantay kay Ate Lia.

Nakarating kami sa silid ni Ate Lia kaya kumatok muna ako bago buksan ang pinto.

"Oh bakit kayo nandito?" tanong ni Ate Dec.

May hawak siyang plato na may mga prutas. Si Ate Zaf naman ay nasa sofa nakaupo habang nagguguhit. Si Kuya Verux naman ay nakaupo sa upuan na nasa tabi ng higaan ni Ate Lia.

Wala pa ring pinagbago ang kalagayan ni Ate.

Nakahiga pa rin siya, namumutla at malamig ang balat. At ang buhok niya... ang buhok niyang kasing itim ng uling ay wala na.

At naging kasing puti na ng nyebe ito simula kagabi ng nabalot ng nyebe ang Vampir.

Ngumiti ako kay Ate Dec at binitawan ang kamay ni Kyline. Tiningnan ko muna kung may mga kawal sa labas ng silid bago sinara ang pinto.

Vampire Queen's Runaway DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon