"Lucy, balik tayo sa cafeteria." -Natsu.


Pasimple ko silang tinignan. Napansin kong natigilan sandali si Erza.


"Tinatamad akong tumayo. Ikaw nalang Natsu. Ibili mo nalang ako." -Lucy.


Umiling si Natsu. "Ayoko." Tumayo sya at pinagpagan nya ang uniporme nya. "Kung nauuhaw ka, tumayo ka dyan."


Tinawag ni Lucy si Natsu na naglalakad na palayo pero hindi sya nilingon nito. Inalis ko ang tingin sakanila ng tinignan kami ni Lucy. Bumuntong-hininga sya at walang pasabing sumunod kay Natsu.


"T-teka lang Luc--" Hindi na naituloy ni Erza ang sasabihin nya ng makalayo na si Lucy. Bumuntong hininga sya at umiling.


Katahimikan ang naghari saming dalawa ni Erza. Hindi ako mapakali ngayon dahil kami nalang ang naiwan dito. Parang may nabubuong tensyon sa paligid namin ngayon.


Gustuhin ko mang lapitan at kausapin sya, hindi ko magawa.


Naalala ko kasi kung paano sila magtitigan at mag ngitian ni Jellal kanina. Gusto kong itulak kanina si Jellal at agawin sakanya ang magiging korona ni Erza. Gusto ko, ako ang gagawa noon. Gusto ko, ako lang ang tinitignan ni Erza ng ganon. Gusto ko, ako lang ang nagpapangiti sakanya ng ganon. Pero hindi ko ginawa yon. Pinigilan ko ang sarili ko. Ang saya nyang tignan kanina at ayokong sirain iyon. Gusto ko yung masaya sya. Kahit na ako yung nasasaktan. Lahat ay gagawin ko sakanya para lang sumaya sya.


Titiisin ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko silang magkasama. Ganun ko sya kamahal.


"Bakit nga pala hindi mo kasama si Juvia?"


Binalingan ko si Erza ng magsalita sya. Walang emosyon ang mukha nya habang nakatingin sakin ngayon. Parang pinipiga ang puso ko.


Tumikhim ako at nagsalita. "B-busy sya." Tumango sya sakin at kumain na ulit sya.


Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Gustuhin ko mang sabihin sakanya na wala na kami ni Juvia ay hindi ko nasabi. Wala na kami dahil naputol na ang pagkakaibigan namin. Simula kasi nung mag-usap kami ni Juvia ay nilayuan nya na ako. Hindi na kami nag-uusap. Sa play lang kami nagkakapag-usap dahil kaylangan. Naiintindihan ko naman sya kung bakit sya umiiwas sakin. Alam kong masakit sakanya. Pero wala eh. Sinubukan ko talagang mahalin sya, pero mahal ko talaga si Erza. Mas mahal ko pa sya kesa sa sarili ko.


"Ikaw? Bakit hindi mo kasama si..." Umiwas ako ng tingin sakanya. "S-si Jellal." Tanong ko sakanya. Hindi ko maiwasang ikuyom ang kamay ko ng banggitin ko ang pangalan na yon.


Hindi sya kumibo. Hindi nya sinagot ang tanong ko.


Binaba ko sa damuha ang pagkain ko. Tumayo ako at tinignan sya. Nilunok muna nya ang kinakain nya at tiningala ako. Gusto kong pasalamatan sila Natsu at Lucy dahil iniwan nila kaming dalawa dito ni Erza.


Mabilis akong lumapit sakanya. Nanlaki ang mata nya ng hablutin ko ang kamay nya at sapilitang itayo.


"B-bitawan mo ko G-gray." Hinawakan nya ang kamay ko at pilit na inalis iyon. "Nasasaktan mo na ko."


Natauhan ako ng makita ko sa mukha nya na nasasaktan nga sya. Para akong napaso at mabilis ko syang binitawan.


Walang nagsalita samin pagkatapos non. Nanatili lang kaming nakatayo. Nakatingin ako sakanya at sya naman ay nakatingin sa likuran ko, halata sakanya na umiiwas sya ng tingin sakin.


"Erza." Banggit ko sa pangalan nya.


"Please Erza. Tignan mo ko." Pagsusumamo ko sakanya. Pero hindi parin nya ko pinakinggan.

Hinawakan ko ang baba nya at inangat iyon. Pero kagaya kanina ay hindi parin sya nakatingin sakin.


Hindi ko mapigilang masaktan sa ginagawa nya. Ang sakit lang kasi hindi nya ako matignan sa mata. Ang sakit kasi parang kinamumuhian ako ng babaeng mahal na mahal ko.


Yumuko ako at bumuga ng hangin. Unti-unti kong inalis ang kamay ko sa baba nya. Umatras ako at walang lingon na tumalikod sakanya.


Siguro nga ay wala na kaming pag-asa ni Erza, na hindi na kami babalik sa dati. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko dahil umasa ako sa wala. Akala ko kasi ay may pag-asa pa. Na kahit papaano ay may pagtingin pa sya sakin. Pero wala. Ganito nga ata talaga. Hanggang magkaibigan lang talaga siguro kami.


"G-gray..."


Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang pagtawag nya sakin.


Hinarap ko sya. Nanlaki ang nga mata ko ng makita kong luhaan ang mata nya.


"B-bakit ganyan ka ? Bakit a-ang dali lagi s-sayo n-na b-bitawan a-a-agad a-ko?" Pinunasan nya ang luha nya.


Parang sinasaksak ng paulit-ulit ang dibdib ko ng makita kong nasasaktan si Erza. Umiiyak sya sa harapan ko.


"G-ganyan ka ba? A-alis ka nalang bigla ng w-walang p-paalam? I-iiwan mo n-na naman a-ako ng w-walang pasabi?" Suminghot sya.


Dahan-dahan akong naglakad sakanya. Parang nanghihina ang mga tuhod ko habang nakatingin ako sakanya. Masakit sakin dahil nakikita kong nasasaktan sya. Ayokong nakikitang ganito si Erza. Ayoko syang nasasaktan. Mas pipiliin kong ako nalang ang masaktan.


Nang makalapit ako sakanya ay agad kong hinawakan ang magkabila nyang pisngi at pinunasan ang luha nya gamit ang daliri ko. Lalong humagulgol si Erza at lalo akong nasasaktan.


Natigilan ako ng bigla nya akong yakapin. Hindi ko alam ang gagawin ko. Parang huminto ang paligid ko ng yakapin ako ng babaeng pinakamamahal ko. Nang maramdaman kong humigpit ang yakap nya sakin ay hindi ko na napigilan ang luha ko na kanina pa gustong bumagsak.


Mabilis kong pinunasan ang luha ko ng maramdaman kong hihiwalay na sya sakin. Gusto ko pa sana syang yakapin ng matagal kaso baka magalit lang sya sakin. Ayokong mangyari iyon. Nang maghiwalay na kami ay mabilis syang yumuko at mabilis na pinunasan ang mga luha nya.


"P-pasensya na." Tumingin siya sakin at bahagyang ngumiti. "Hindi ko lang map--"


Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nya. Mabilis ko syang kinabig papalapit sakin at hinagkan ang labi nya.

Titania's First Love [Fairy Tail FanFic]Where stories live. Discover now