"So sa ibang parte na lang?" Nagulat siya ng hablutin siya nito sa baywang at pwershan na isakay sa kotse. Hindi siya nakareklamo sa pagkabigla.

"now you're stun?" Tatawa tawa ito habang kinakabitan siya bg seatbelt. Humalik pa ito sa tungki ng kanyang ilong bago umikot papunta sa driver seat.

"Wh-what was that?" Nagugulat niyang tanong... parang natameme siya ng mga ilang segundo.  Minaniobra na nito ang sasakyan.

"Wala naman, just a little scene, kulit mo kasi, " tatawa tawang hinawakan pa nito ang kanyang pisngi.

Doon na siya natauhan. Hindi pwedeng ganito. Kinuha niya ang kamay nito sa kanyang pisngi at kinurot.

"Aray!" Reklamo nito.

" Ang landi mo, alisin mo nga ako sa listahan ng mga lalandiin mo!" Singhal niya dito.

Tatawa tawa nitong binawi ang kamay habang ni rurub sa binti. Para siguro maibsan ang kirot.

Hindi siya nakukunsensya!

"Paano naman kita aalisin sa listahan, eh ikaw lang naman ang nakalista doon." Sinigawan niya ito hanggang sa makalapit sila sa tapat ng school. Hindi talaga siya papayag na pumasok sila ng sabay.

"Hinto mo!" Utos niya dito.

"Konti na lang papasok na tayo sa loob." Paliwanag nito sa kanya, yun na nga ang iniiwasan niya na mangyari ang gumawa ng eksena. Nabaon na yung balita tungkol sa kanilang dalawa noong freshman sila, tapos ngayon, heto na naman?

Mawiwindang na naman ang kanyang tahimik na buhay.

"Ihihinto mo o babayagan kita!" Nagulat na lamang siya kanyang nasabi, nakalimutan niya na hindi nga pala si The Fort ang kasama niya na takot na takot natuhuran dahil baka manganib  daw ang hinaharap nila ni Michelle.

Sobrang nakakahiya. Maling mali dahil may eksena na pala sila na ganoong bagay.

Nagngising demonyo na naman ito na mabikis niyang pinagsisisihan.

Jusko Lord!

" Na mimiss mo na bang hawakan yung akin? Dito mo ba gusto? Ayaw mo sa ibang lugar?" Tudyo nito, lalo naman siyang nainis kaya naman pinaghahampas niya ito.

"Tama na! Sobra ka na, nagbibiro lang naman eh! Ang sadista mo talaga!" hinuli nito ang kanyang mga kamay, upang hindi na makapang hampas pa.

"Hayaan mo na kasi akong bumaba," pag mamakaawa niya dito. May kalakip talagang matinding takot ang muling pagkakalapit nila ng ganito.

"Sige...pero ilang oras lang."  Bulong nito sa kanya, ito na ang nagbukas ng pinto, mabilis na siyang lumabas.

Pakiramdam niya.

Her timer starts now.

...

" Bakit mukha kang nabugbog tapos mukhang masaya ka pa?"  Pagbati sa kanya ni Josh, makahulugan itong tumingin sa kanya. Kanina pa ito tumatawag pero hindi niya sinasagot. Wala pa rin naman si Dexter.

" Alam feeling ko may bago na si Dexter... laging wala sa sarili eh," tsismis nito sa kanya. Sino nga ba ang mag aakala na tsismoso talaga ito. Pero sasakyan niya na lang, kaysa naman nasa kanya ang mga mapanuring mata nito.

"Tapos?"

"Sa tingin ko, tama ang hinala ko noon pa, ang galing niya nagawa niyang pagtakpan?Paano na lang yung mga pagkakataon na..." tumingin pa ito sa paligid. " hindi talaga ako makapaniwala,Minuwestra pa siya nito na lumapit. Sinunod naman niya at inilapit ang kanyang tainga.

"Dude, sa tingin bakla si Dexter, delikado tayo sa kanya," bulong nito.

"What the Fvck!" Gulat siyang lumayo dito. Tawa ng tawa, binato niya ito ng notebook sa kanyang  harapan. Mabilis naman nito na nasalo iyon.

"Paniwalang paniwala ka dude, takot na takot ang hitsura mo!" Nakitawa na lamang siya sa kalokohan nito, hindi nakainom ng gamot kaya wala na naman sa wisyo. Bigla naman may naupo sa gilid nito, si Dexter nga yun, mukha itong bagong gising, hindi maayos ang histura hindi gaya ng dati.

"Bakit kayo tumatawa?" Si Ren na ang sumagot dito.

"Dude, he just shared me your deepest secret... he told me your gay," natawa na rin siya sa reaction nito, nag peace sign nama si Josh.

"Sorry, nahihiwagaan kasi ako sayo these past weeks, "

"You wanna know my depeest secret?" Bigla naman na sabi nito na nagpahinto sa kanila. Paano napakaseryoso.

"What is that?" Tanong ni Josh.

"I'm going to be a father." Nagkatinginan sila ni Josh saka nagtawanan.

Minsan talaga joker si Dexter. Pero huminto na rin sila dahil,

Hindi pala ito papasa bilang comedian.

...

"The Fort!" Humahangos ang kaibigan niya ng puntahan siya nito sa kanilang tambayan. Umaalingasaw sa bango ang loko, mukhang dumaan muna kay Michelle.

"Anong nangyari sa'yo, nakita mo na ba si Topher, natutuwa siya sa'yo, siguro nagtumbling ka sa harapan niya kaya nangingiti ang loko ng pinag usapan ka namin." Daldal nito, nakalimutan niya na pala yun, nag enjoy siyang kasama si Tupe, mabait, gentleman at galante. Mukhang vibes nga sila.

Kaya lang.

Mas may dapat siyang problemahin ngayon.

" mabait naman din siya, saka hindi ako nagtumbling, nadulas lang habang nagisiskating."kwento niya dito.

"Wow, maganda yan...magkakaroon ka na ng lovelife, ano paplanuhin na ba natin yung susunod ninyong date? Kita ko naman na type ka rin noon, lamang tyan ka na rin eh, di ka talo doon, mabait parents noon, hindi mapangmata." Sasagot na sana siya ng may sumingit sa kanyang tabi, walang hiya itong naupo sa kanyang tabi at umakbay.

Masama ang tingin nito kay Jose.

"Mas mabait parents ko, lalo na ang mommy ko,"reklamo nito. Tumaas ang kanyang labi nito, alam ni Candice ang ngisi na iyon, "So ikaw pala ang salarin?" Ang sama ng tingin nito.

"Ha?" Si Jose naman ay napalunok ng paulit-ulit.

"Ayoko na yung maulit, kung hindi patay ka sa akin." Matapos ang banta na yun, naramdaman niya ang labi nito sa kanyang kaliwang pisngi. Kasing bilis nitong mawala ang bilis ng pagdating nito. Parang tumigil ang mundo.

"Tss.Patay daw ako, patay tayo." Saka lang natauhan si Jose na nagawa ng ngumisi sa kanya. Sinasabi ng mga mata nito na, anong ganap?magkwento ka!.

Pero napadukdok na lamang siya sa kahoy na mesa.

Patay talaga.

Lalo na at bumabalik na naman ang kanyan sakit sa puso na nawala din ng ilang taon.

Heto na naman.

Heto na naman.

Heto na naman siya.

...

TBC




The Law of Love (completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt