<< OUO 27 : "A trip"

1.9K 34 1
                                    

Chapter 27

<<trish's pov>>

(epalogs note: nagulat ba kayo na Trish na ang nakalagay at hindi Patricia? Para sa chapter na ito, wala pong chapter 27.2 or what. Ito na po yung  buong chapter 27 ok?)

Ayyyyy grabe nakakapagod naman. Pero sulit naman dahil naging masaya ang last day of shooting namin.

 Ang bilis. Parang kelan lang nagpaplano pa lang kami. Audition pa lang. Naalala ko kakulitan ni miggy.

"uy trish, natatapon yung coffee mo." sabi ni cheska. Nakauwi na ako sa boarding house.

Agad ko namang pinunasan yung natapon na kape dahil sa kahahalo ko. Tulala ba.

"bakit mukhang lutang ka ngayon? May nangyari ba sa trip niyo sa bataan?"  tanong naman ni matheena.

"nangyari?"

"oo. May nakafling ka ba na boys dun?  YEEEHAA!!"  sabi naman ni dominique. Napansin ko na parang nagiging wild na ang isang to.

"Oy. Malisyosa to." nagulantang naman ako.  "Wala. Wala namang nangyari. Pagod lang talaga ako."

Galing kami sa bataan kanina. Dun sa beach na malapit sa bahay namin. Dumaan ako sa bahay kasama ang grupo. Sobrang harot ni miggy. Parang bata. Hehe. parang ayoko na ngang bumalik pa ng manila pero kailangan eh. Recording na bukas.

"e kamusta naman kayo ni Miggy?"   tanong ni cheska. Wow, di na siya nageenglish ah.

"kami? Wala namang bago samin kundi palagi kaming nagaasaran."

"asuuuuuussss"   pang aasar ng mga kerengkeng sa akin.

Tungkol sa bestfriend kong si miggy, bestfriend talaga? HAHAHA de, simula kasi nung nagsorry siya, bumalik kami sa dati. Oo, nagaasaran pa rin kami, di ko matiis eh. But this time, wala na masyadong foul words, minsan na lang. :p  kung itatanong niyo kung paano kami nagkabati, ayun nagsorry siya. Nagkatitigan kami tapos sabay na nagtawanan. Parang mga abnoy lang talaga. :D

Masasabi kong kumportable na talaga kami sa isat isa. Feeling close pa sa pamilya ko, lalo na kay Gwen. Nakakapunta na nga rin yun dito sa boarding house e. At close sila nila matheena,dominique at cheska. Naging mas close talaga kaming dalawa. Naalala ko tuloy yung trip namin sa bataan. Pati yung huling sinabi niya sa akin kaya ako aligaga ngayon.

FLASHBACK...

"qc wildlife?"

"check!"

"intramuros?"

"check!"

"ocean park?"

"check!"

"la mesa ecopark?"

"check!"

Naguusap sina kristen at aldric tungkol sa mga napuntahan na naming venue.

"next?" -aldric

"BATAAN BEAAACHHHHHHH"   sabay sabay naming sabi.

Nakakatuwa dahil sa maikling panahon naging kaclose ko na rin sila. Pero, napansin ko si Yvonne na hindi na katulad ng dati. Akala ko kasi dati na siya yung pinakauna at pinaka makakaclose ko dito pero hindi. Ni hindi na nga niya ako nilalapitan eh. Ano kayang problema?

Once Upon OBESEWhere stories live. Discover now