<< OUO 25.2

1.4K 28 1
                                    

Part2

Nagulantang ako sa boses na narinig ko. Ang lalim ng boses, lalaking lalaki. Feeling ko nawala ang kalasingan ko at bumaba lahat ng nainom kong alak sa pantog ko.

"ahm hello po"

"kamusta ka na diyan anak?"

"ok naman po ako itay."   oo tatay ko nga ang tumawag. Sino pa ba sa akala niyo? "kayo? Kamusta naman po? Si Gwen?"

"ayos naman kami anak. Lalo na ako magandang lalaki pa rin.  john llyod na john llyod pa rin. Si Gwen ayun, pakulit na ng pakulit. Hehe."

"naks! mabuti naman po kung ganun.hehe. Excited na po akong umuwi diyan. Namamayat na ako dito eh."

"hahaha. Ganun ba anak, nako buti pa nga't umuwi ka na dito nang malamanan ka ulit ng husto."

"sa christmas vacation po. Uuwi ako."

"ahhh. Anak?"

Biglang lumungkot ang boses ni Itay.

"itay, bakit po?"

"anak.. Kase.."

"tay ano yun? kinakabahan naman po ako sa inyo oh."

Kinakabahan talaga ako.

"yung lola mo kasi, "

"ano  pong nangyari kay mamita?"   kinakabahan na talaga ako

"Binawi niya ang resort at ang piggery kaya kami di makapagpadala sayo ng pera."

Pakiramdam ko lalo akong nahilo dahil sa rebelasyon ni Itay.

"ANO!? Ba- bakit daw po? Nagaway ba kayo?"

"ah, hindi anak."

"eh bakit daw po?"

"ah.. Eh..."

"tay...ano na?"

"e kasi, gusto na daw niya magka nobyo ka muna. At hanggat hindi ka nagkakaroon ng nobyo ay tuluyan na niyang ibebenta ang resort at piggery. Anak, alam mo naman ang lola mo hindi ba? Minsan mapangtrip talaga yung matandang yun eh. Ang kaso lang, pag napagtripan ka, nako, wala na, daig pa ang nagpapa bring me. Anong balak mo anak?"

Teka ha... Nagbabuffer pa ang utak ko eh. Di maprocess ng utak ko ang mga impormasyon na ibinalita ni itay.

Ako? Kailangan na magkaroon ng boyfriend? AGAD AGAD!

"ah.. Trish? Buhay ka pa ba dyan?"

"hindi..."

"HINDI NA!? SINO ITONG KAUSAP KO? KUNG SINO KA MAN, IBALIK MO SA ANAK K--"

"TAAAY!!! Ako pa rin ho ito, wag po muna kayong baliw please?"

"ay, sorry sorry anak. Na kerida way lang ako."

"carried away ho. -______-"

"ayun na nga. Nako, sabi ko sayo eh, sa maynila ka magaral para matalino ka. Ano na nga yung sinasabi mo? Aprub!"

"hay nako tay. Di na ako magtataka kung bakit ganyan si lola -___-. Ang ibig ko pong sabihin kanina, hindi. Sabihin niyo kay mamita, hindi ako pumapayag sa kalokohan na yan!"

"eh anak paano na yung piggery at resort?"

Paano nga ba?

"basta tay, may paraan pa. Hindi ako pumapayag. Akala niyo ba , ganun ganun na lang ang paghahanap ng boyfriend?! Pambihira naman si mamita."

Nakakainit naman ng dugo ang mga balitang to. Naiinis ako! Ayoko ng pinagpipilitan ang sarili ko sa masikip, este sa ibang tao.

"o sige anak, tumawag lang ako para ibalita sa iyo. At ipaalam na hindi kami makakapagpadala ng pera katulad ng dati. Mga 500 lang maibibigay namin."

"500 po? Sa loob ng isang linggo?!"

"oo anak. Wala talaga eh."  

HAAYYY...

"kung ako sayo anak, itatry ko yung kondisyon ng lola mo. Malay mo naman diba? Nandyan lang sa paligid---"

"hindi nga po tay. Ayoko at ayoko. Ok?"

End call

Nainis ako eh. Di ba pwede magbaba ng cellphone?

Papasok na sana ako sa loob nang biglang tumunog na naman ang cellphone ko.

Sinagot ko agad iyon dahil siguradong si itay na naman yun at mangungulit na naman.

"hello tay! Kung ipipilit niyo na naman po sa akin yung gusto ni mamita na magkaboyfriend ako para lang mabawi natin yung resort at piggery hay nako magaaway po tayo. Hindi po pinipilit ang pagboboyfriend, anong gusto niyo humatak ako ng tambay at ipakilala na siya ang boyfriend ko? Sabi ko naman po sa inyo may paraan pa. Maghintay lang po kayo, magtitiis na lang po ako sa 500 na papadala niyo."

Sumabog na talaga ang pagkainis ko. Idagdag mo pa na, oo lasing nga ako. Patawarin mo ako itay.

"hello Pat?"

At gumuho na ang mundo ko.

Once Upon OBESEWhere stories live. Discover now