LOVE WITHOUT LIMITS

428 17 0
                                    

Ikaw ang katuparan ng mga pangarap,
Ikaw na ang kabiyak na matagal ko nang hinahanap,
Ngayon sa kanya sabay na tayong haharap.

Kaytagal kitang hinintay,
Kaytagal ninais hawakan ang iyong kamay,
Makakasama na kita habang nabubuhay.

Ikaw ang dahilan ng kislap sa aking mga mata,
Ikaw ang nais makasama sa bago kong kabanata,
Pangako, mas pakamamahalin kita.

Mamahalin kita ng walang limitasyon,
Kasabay kita mangangarap mula ngayon,
Ikaw ang natatangi kong inspirasyon.

Pagmamahalan nating ito ay wagas,
Ating pagmamahalan ay hindi magwawakas,
Ikaw ang aking ngayon at bukas.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji حيث تعيش القصص. اكتشف الآن