Wizard's Tale 3: Chapter 11

115K 3K 677
                                    


(Alyanna POV)


Nanginginig ako nang makabalik kami ni Brylle sa kulungan ko. Ramdam ko pa rin ang kamay ni Night sa mga parte ng katawan ko na hinawakan niya kanina. Ramdam ko pa rin ang nakakadiring halik niya. Ramdam ko pa rin kung gaano katindi ang kasamaan niya.

Muli na sana akong ipapasok ni Brylle sa loob ng glass cage pero hinarap ko siya at niyakap ko ng mahigpit. "Brylle, alalahanin mo na ako. Sige na naman." Pagmamakaawa ko. "Hindi ako makakaalis dito hangga't hindi kita kasama. Dapat magkasama tayong makaalis sa lugar na 'to."

Susubukan pa sana niya akong itulak pero mas hinigpitan ko lang ang pagkakayakap ko sa kanya. Tuluyan na rin akong naiyak at nagsimulang makaramdam uli ng takot. Takot na mawala ng tuluyan sa akin ang lalaking pinakamamahal ko.

At sa pag-iyak ko habang yakap siya, dahan-dahan ay nararamdaman kong hindi na niya ako sinusubukang itulak palayo. "Gusto kong marinig sayo na naalala mo ako kahit konti lang. Kahit konti lang Brylle..."

And then I felt it. His hands on my back. He's hugging me back. "Yana..." Bulong niya.

Napatingin ako sa kanya. This time for sure, tinawag niya akong Yana dahil nakikilala na niya ako.

"Tutulungan kitang makaalala uli ng buo. Magtiwala ka lang saakin..." At muli ko siyang niyakap. Kaunti pa. Kaunti pa at maalala niya rin ako.

But just when I thought na magiging okay na ang lahat...

"Kaleel!" May pumasok na babae at galit ang boses nito nang madatnan niya kami. Naging kulay pula ang mga mata niya—katulad ng kulay ng buhok niya. "What are you doing?"

Pwersahan kaming pinaghiwalay ng babaeng iyon sa isang kumpas ng kamay. Nang magkabitaw kami ni Brylle, tiningnan niya ako ng masama. At gamit ang kaparehong pwersang ginamit niya kanina, pinatalsik niya ako papasok sa glass cage.

Susugurin ko pa sana siya pero tuluyan na akong nakulong. "Ikaw!" Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Ang babaeng inakala naming namatay sa pagbubuwis niya ng buhay noong inatake kami sa Erden. Ang babaeng itinuring pa naman namin na isang bayani. "Buhay ka, Myera!"

"Correction, Princess Alyanna. That should be Princess Myera Hollowick."

"Ikaw ang kapatid ni Night?"

Myera smirked at me, raising an eyebrow. "Ang nag-iisa!"

"Nagkunwari kang namatay! Kalaban ka!" At ibig sabihin lang din, "Ikaw rin ang lumalason sa utak ni Brylle!" Saka ako tumingin kay Brylle na hindi na malaman ang gagawin niya.

Bakas sa kanya na naguguluhan siya. Unti-unti na niya akong naaalala. Kaso sa paniniwala niya, naninilbihan pa rin siya para sa mga Hollowick.

"Kaleel..." Lumapit sa kanya si Myera with a seductive voice.

"My Lady." Napaluhod naman si Brylle sa harap niya. Pero nahuhuli ko siyang tumitingin pa rin sa akin.

"Bakit mo hinayaang yakapin ka ng babaeng 'yan?"

"Patawarin niyo po ako."

"Lumayo ka sa babaeng 'yan, Brylle!"

"Nagkakamali ka yata, Lux Princess. Hindi Brylle ang pangalan niya. Siya ang aking si Kaleel." At saka siya kumapit sa braso ni Brylle.

"Mangkukulam ka! Alam mong hindi ka niya mahal kaya isinumpa mo siya! 'Wag kang maniniwala sa kanya, Brylle. Desperada ang babaeng 'yan!"

"Sino kaya ang mas nagmumukhang desperada sa atin ngayon?" Saka ito tumawa. Tawa na maihahalintulad sa isang bruhang mangkukulam. "Aking Kaleel, batid kong bumabalik na naman ang pananakit ng ulo mo dahil sa masasamang pangitaing nakikita mo."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon