Wizard's Tale 3: Chapter 30

97.6K 3.2K 1K
                                    


(Alyanna POV)


Hindi na ako mapakali. Nanganganib na ang lahat ng mahahalagang tao sa buhay ko samantalang nandito lang ako at parang naghihintay lang sa wala! Kung nagawa kong makarating dito, alam kong makakababa rin ako. Bababa na ako!

Ipinikit ko ang mga mata ko at itinutok ang buong enerhiya para sa kagustuhang makabalik na sa Otherworld. Naramdaman ko ang paggana nito nang may lumitaw na liwanag mula sa mausoleum na pinanggalingan ko at ang liwanag na 'yun ay kumunekta sa lugar na ito.

Handa na sana akong daanan iyon ngunit, "Alyanna..." Narinig ko ang boses ng pag-asang kanina ko pa hinihintay. Ang Luxurian Being!

Laking tuwa ko na nagpakita na siya. "Kanina ko pa kayo hinihintay!" At kailangan ko nang magmadali bago pa mahuli ang lahat. "Alam kong alam niyo na ang tungkol sa nagaganap na Second Dark War. Mahina po ang pwersa namin dahil sa pagkawala ng Lux. Tulungan niyo po kami."

Matagal bago ako sinagot ng Luxurian Being. "Hindi 'yun ang dahilan kung bakit kita dinala rito, Prinsesa Alyanna." Saka siya napatingin din sa mga kristal na nagpapakita sa nagaganap na digmaan. "Matindi ang banta ng mga kalaban. Hindi matatapos ang kanilang paghihiganti hangga't hindi ka namamatay. Inilalayo lamang kita sa kapahamakan."

"Pero ang Lux... kung ipapahiram niyo lang po uli sa amin ang kapangyarihan ng Lux ay matatalo namin ang kapangyarihan nila. Maipagtatanggol ko ang sarili ko at ang lahat."

"Ngunit wala na ang Lux. Kayo mismo ang tumalikod sa Lux." Nabalot ng kalungkutan ang maamong mukha ng Luxurian Being. "Ikaw lang ang kaya kong iligtas kaya kita dinala rito. Marami nang hirap ang iyong dinanas kaya hindi ko na hahayaang pasanin mo pa ang problema kapag bumalik ka roon."

"Pero paano sila? Pababayaan mo sila? Umaasa po silang maihahatid ko ang kapangyarihang kayo lang ang makapagbibigay. Nakikiusap po ako... tulungan niyo kami."

Ngunit kahit pa yata lumuhod ako, buo na ang desisyon niya.

"Ako ang nakikiusap sayo, makinig ka sa akin at manatili ka na muna rito. Hintayin mo na lamang na matapos ang digmaan."

Muli kaming napatingin sa mga bolang kristal. Sobrang gulo na ng mga nangyayari. Nakakatakot. Nakakapangilabot.


* * *


"What the fire!" Nag-panic si Sylfer nang makita si Night na nakasakay kay Skygrra at lumilipad na patungong Velsigne Island. Sa pagkakataong iyon, nagpasya na sila ni Rouel na magtungo rin sa isla dahil alam nilang hindi na kakayanin 'yun nina Brylle.

Mukhang ganun na rin nga ang plano ng Ace League. Tanging sina Lolo Lorcan at Sorceress Louhi lang ang hindi makakasama dahil abala pa ito sa kanilang mga kalaban.

Nang magkaabutan na sina Rouel, Sylfer at ang Ace League, "Kailangang mapigilan si Skyggra! Bukod kina Brylle, nasa loob pa ng mausoleum ang dalawang Reyna!"

"Ano?!" Magkasabay na sigaw nina King Hollace at King Roland. Hindi nakabuti na malaman nilang nasa panganib ang kanilang mga asawa.

Ngunit hindi sila makakalapit agad sa isla dahil pinalibutan sila ng mga Draugar. Naghawak kamay ang mga ito at nagsagawa ng Group Curse at sa isang iglap, nakulong sila sa loob ng Shadow Circle.

There's no way they can fight back and worse, "What's happening?" Unang napaluhod si Rouel dahil siya ang pinakasugatan at pinakagamit na ang enerhiya. "I'm getting...weak..." Ganun na rin ang nangyari kina Sylfer at sa mga leaders. Nasa loob sila ng isang Shadow Circle na humihigop ng enerhiya nila.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon