Wizard's Tale 1: Final Chapter

186K 4.4K 884
                                    


-NOTICE-

This chapter is incomplete and has several cut scenes. Para mabasa ng buo, Wizard's Tale: Unlike Your Ordinary Fairytale is still available at all leading bookstores nationwide (National Book Store, Pandayan, Fullybooked, Booksale, etc) . Kung wala kayong makitang naka-display sa bookstore na malapit sa inyo, pwede kayong magtanong sa customer service at magpa-reserve sa kanila. Kung walang perang pambili, kahit manghiram na lang kayo sa mga kakilala niyo.

* * *


(Alyanna POV)


Ang mga nilalang na nakasaksi sa muli kong pagkabuhay ay nangako ng suporta at paninilbihan para sa White Light Clan. Bilang tanda ng kanilang katapatan, pumayag sila sa mga kundisyon na ibinigay nina Lolo Lorcan at Prince Rouel na may kinalaman sa kaligtasan ko.

"Elysse, Dustin. Ako na ang humihingi ng tawad sa inyo sa pagkakadawit niyo sa gulo na 'to." Ako naman kasi ang puno't dulo kung bakit napagkamalan noon si Elysse.

"It's okay, Yana. We understand." Ipinatong lang ni Dustin ang kamay niya sa balikat ko.


-CUT SCENE-


"So I guess this is goodbye?" Ang sabi ni Dustin. Magkatabi sila ni Elysse at wala nang bakas ng takot o lungkot sa mga mukha nila. Nauna kaming nagyakap pero nagbitaw din kami agad dahil biglang lumingon si Brylle. "Mahirap na, baka makulam ako ni Brylle."

"Pfft! May tama ka dyan, Dustin." Pagkatapos nun, nagkatinginan naman kami ni Elysse. And without further ado, kami naman ang nag-hug. "Elysse—"

"Eww Yana! Stop sounding like a baby!" Ang sama talaga nito. Nagpapaka-sweet na nga ako, but wait...

"Tinawag mo ba akong Yana? Dati rati, Alyanna lang."

"Eh si Dustin nga tinatawag ka na sa nickname mo samantalang binasted mo siya." Ah ganun! Mas hinigpitan ko nga ang yakap ko sa kanya! Pero ramdam ko naman na mas natuwa siya sa higpit ng yakap ko.

"You know what Yana, I'm really happy that you are what they call the 'Lux Princess.' You deserve that title dahil mabait ka at dahil nararapat sayo na mamuhay naman ng masaya."


-CUT SCENE-


Sa katauhan nila Dustin at Elysse, nakahanap ako ng tunay na mga kaibigan. At mananatili kaming magkakaibigan habangbuhay.

Hindi naman din ako naiwang mag-isa dahil lumapit naman saakin si Lolo Lorcan. "Nakapag-paalam na po kayo sa mga kaibigan niyo?"

"Opo. Pero Lolo, pwede po ba ng humiling ako sa inyo? Tutal naman Class S Wizard kayo."

"Ano po yun, Mahal na Prinsesa?"

"Tungkol po sa kaibigan kong si Elysse." Ito na lang ang tangi kong paraan para masuklian ang tiwala, suporta at pagmamahal nila saakin. "Pwede po bang gawaan niyo ng paraan na mahanap pa rin niya ang tunay niyang mga magulang? Gusto ko po na tulad ko, magkaroon na rin ng linaw sa tunay niyang pagkatao."

"Tunay ngang napakabait mong bata." At napa-smile lang si Lolo Lorcan. "As you wish, so shall it be. I'll conjure fate for your friend to meet her real parents."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon