Wizard's Tale 1: Chapter 33

163K 3.7K 407
                                    


(Alyanna POV)


"I never expected na magpa-plano ang torpeng yun ng ganun. Siguro pinainom mo ng gayuma ang bestfriend ko noh?"

Natahimik lang ako. Hindi ko na rin pinatulan ang asar saakin ni Elysse.

Dapat sa mga oras na ito, kinikilig ako sa nalaman kong plano ni Prince Dustin. Pero mas nangingibabaw ang guilt! At higit sa lahat, iniisip ko si Brylle. Naguguluhan ako simula nung umamin siya saakin!

"You're really lucky, Alyanna! Kahit na naghihirap ka sa buhay at hindi ka naman ganun kagandahan, you're lucky in love naman." Powtek! Matutuwa pa ba ako sa sinabi niya? Mahirap na nga, hindi pa daw kagandahan!

"Tumigil ka nga dyan Elysse. Kung meron mang maswerte saatin, ikaw yun noh!" Alam kong lalaki lang ang ulo niya sa sasabihin ko pero totoo lahat ito. "Galing ka sa isang elite family! Kumpleto pamilya mo hindi tulad ko na matagal nang ulila. Maganda at matalino ka pa at maraming nagkakandarapa sayo simula pa nung high school. Alam mo nga noon—actually hanggang ngayon pala, iniisip ko na ang isang Elysse Fabel ay real life princess! Nasa iyo na kasi lahat!"

"Pfft!" Ang seryoso ng sinabi ko pero tinawanan lang ako! "You think so?"

"Oo. Serysoso ako!"

"You're right, if only I was a real Fabel."

"If you we're a real Fabel?" Totoo ba yung sinabi niya o nabingi lang ako? "Anong ibig mong sabihin, Elysse?"

"My life isn't perfect if that's what you're thinking." She sighed. Ngayon ko lang nakita si Elysse na nagkaganito. "Alyanna, you are my friend, right? Can I entrust you my greatest secret?"

Napalunok naman ako. "Of course Elysse, you can trust me. Ano ba yun?"

"Hindi ako anak ng Mommy at Daddy ko." Napanganga ako sa una niyang rebelasyon. "It happened eighteen years ago nung pauwi na sila noon from a party."


=FLASHBACK=

Napatigil sa mabilis na pagmamaneho ang driver ng mga Fabel matapos kamuntikang may masagasaang babae sa daan.

"Is anyone hurt? Honey, are you okay?"

"Yes I'm fine, dear. Ano bang nangyari? Bakit biglang nag-preno ng ganun kalakas?"

"Sorry po, Madam. Bigla na lang po kasing may tumawid na babae!"

Bumaba ang driver pero hindi na niya nakita pa yung babae. Mabilis itong nakatakbo at naglaho sa dilim. Papasok na sana siya uli sa loob ng sasakyan nang maagaw ang atensyon niya sa malakas na iyak ng isang sanggol

"Oh my God! Kaninong baby yan?"

"Baka dun po sa babae, Madam. Kaya siguro siya nagmamadaling umalis."

"That lady just left her child here? How ruthless!"

"Don't worry, honey. I-report natin 'to agad sa pulis."

Ni-report nga nila ang tungkol sa baby pero nagdaan ang ilang linggo, walang magulang ang naghanap sa sanggol na nakuha nila. At dahil hindi naman magkaanak ang mag-asawang Fabel, inako nila ang responsibilidad at tinuring na sariling anak ang batang babae na nakita nila nung gabing yun.

=END OF FLASHBACK=


Mangiyak-ngiyak si Elysse habang kinukwento yun. Napayakap na lang ako sa kanya ng mahigpit dahil na-touch ako na ipinagkatiwala niya saakin ang sekretong yun tungkol sa pagkatao niya.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon