Wizard's Tale 2: Chapter 14

184K 3.8K 664
                                    


(Author POV)


Pumasok na ang sixteen players sa mga kaharap nilang lagusan papasok sa isang maze. Once they're inside that maze, hindi na nila makikita ang mga nangyayari sa labas. Ang magiging laban nila ay tinatawag na Game of Elemaze, survival quest inside a maze with concrete walls that are specifically design for magical combats.

Every five minutes, nagbabago ang ayos ng maze. There are traps everywhere but aside from this setup, meron ding nagkalat na Element Spheroids na ginagamit naman as Power-ups. These spheroids include the Element of Air, Fire, Water, Earth, Metal and Electric. Kapag may power-up na, saka lang makakapag-cast ng spell ang isang player that should be associated to the acquired element.

Power-ups can only be used twice, at any time when the player needs it. Kung walang power-up, the player will have no choice but to engage on a physical combat.

Malalaman mong may power-up ang kalaban kapag nakailaw ang bulbs sa Elemaze Gauntlet na suot ng isang player sa kanang braso. Kapag isa lang ang nakailaw, ibig sabihin ay isa na lang rin ang natitirang power-up. The bulb color varies depending on the acquired element.

But aside from the power-up bulbs, may isa pang bulb na nasa gitna ng gauntlet at mino-monitor naman nito ang life stat ng players. Each have 100 Health Points. Kapag nag-zero ang HP, the gauntlet will automatically take the player out of the maze and into the safe zone. It means out na sila sa game.


* * *


Kapansin-pansin ang pagkakaiba sa styles ng mga manlalarong B+. May mga parang ninja kung kumilos. May mga parang nasa marathon na aligaga sa pagtakbo. Pero ang pinakakakaiba ay ang style ni Sylfer na parang rumarampa lang sa daan.

Ilang sandali pa, may mga players na nabiktima na ng mga nagkalat na patibong. Nalalampasan naman nila pero nakakabawas ito sa HP's nila.

In an open air sa bandang itaas ng dome, meron namang live streaming with a closer view sa mga nangyayari sa loob ng maze. The crowd went wild when a fight finally took place. It was between Sylfer and a Wizard named Corbin, he's 33 years old.

Dahil pareho silang walang power up, mano-mano ang naging labanan. Di hamak na mas maraming experience sa pakikipaglaban si Corbin kaysa kay Sylfer. Pero hindi rin naman dehado si Sylfer dahil sa bilis niyang mag-isip at kumilos. His moves are playful yet clever, unpredictable and fatal!

Nagkakabawasan na sila ng HP's and its either they finish this fight or one of them runs into safety. Definitely, none of them wants to back off so itinuloy nila ang laban.

The close fight ended when an Earth Spheroid appeared in front of them. And since Sylfer is faster, siya ang nakakuha nito. Two green bulbs lighted up.

"Better luck next quest, Sir Corbin." He lowered his wand to the ground and casted, "Fragor terra!" The land cracked open and Corbin fell for it. His body turned into dust but he's not yet dead. Sign lang ito na napunta na siya sa safe zone para magamot ng mga Class A+ Healers ang injuries niya.

Laking tuwa naman ni Sylfer nang matalo niya ang unang kalaban. Pero sa sobrang excitement niya, 'di sinasadyang nahulog rin siya sa lupang biniyak niya kanina. "Crap..."

Akala ng lahat na tuluyan na ring mae-eliminate si Sylfer, pero ginamit nito ang natitira pang power-up para mag-cast ng spell at muling makaangat.

Nang masigurong safe na talaga siya, nakuha pa nitong magdiwang at hindi man lang nanghinayang sa nasayang niyang power-up dahil lang sa katangahan.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon