Wizard's Tale 3: Chapter 24

93.5K 2.8K 633
                                    


(Alyanna POV)


Binilinan ako ng mga leaders at buong Ministry na mas makabubuting magpahinga na muna ako. Bukas na ako uli pwedeng sumama sa kanilang pagpupulong tungkol sa ilang pagbabago sa plano namin para sa digmaan. Apektado kasi ang buong estratehiya namin dahil sa pagkawala ng kapangyarihang dapat sana'y pinakamalakas naming panlaban sa Dark Sorcery.

Kahit naman pilit silang nagpapakatatag, batid kong dumoble ang pag-aalinlangan nila. Mas lalo akong na-guilty dahil hindi naman lalo gugulo ang sitwasyon kung hindi ako nagpabaya.

Nang maggabi na, hindi rin ako agad dinalaw ng antok kaya nagpasya akong magpalipas na muna ng oras sa hardin kung saan hindi ko na natatanaw ang dating tanawin na madalas kong tinitingnan. Napapaisip ako... ako ang may kasalanan ng lahat.

"Yana..." Napalingon ako at akala ko si Brylle 'yun dahil tinawag niya ako sa pangalan ko lang. Si Rouel lang pala. Naupo siya sa tabi ko at, "Ayos ka lang ba?"

Umiling ako bilang sagot. "Patay na si Milka dahil iniligtas niya ako. Nawala pa ang Lux kapalit ang buhay ko. Wala nang nangyayaring maayos, Rouel."

Naramdaman ko ang kamay niya sa aking likod. Kino-comfort niya ako tulad ng palagi niyang ginagawa. At dahil hindi ko na kaya ang bigat ng nararamdaman ko, isinandal ko na ang ulo ko sa balikat niya at hinayaan nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Higit sino man, si Rouel ang pinakanakakaintindi sa akin tuwing nagkakaganito ako.

"Rouel, may ipagtatapat ako sayo." Huminga muna ako ng malalim bago sabihin ang katotohanang nahihirapan akong tanggapin. "Tama ang sinabi ng elder kanina. Iniwan na tayo ng Lux dahil may bahid na ng kadiliman ang angkan natin. At ako na may hawak ngayon ng kapangyarihan natin ang pinaka may sala sa lahat. Tulad ng sinabi sa akin ni Night, 'yung galit na nararamdaman ko para sa kanila ang dark side ko."

"Kung si Night Hollowick ang nagsabi nun sayo, hindi mo dapat paniwalaan 'yun."

"Pero tama siya. Noong nasa Atreria ako, ikinulong nila ako sa isang glass cage na pumipigil sa kapangyarihan ng isang Luxurian. Ngunit nagawa kong basagin 'yun dahil sa kagustuhan kong patayin si Myera. At noong atakihin niya uli kami, sa kamay ko na mismo lumabas ang Shadow Fire."

Saka ako nanginginig na tumingin sa kamay kong nabahiran na ng simbolo na kasamaan nang hindi ko namamalayan.

"Hindi ko masukat 'yung poot ko noong mga oras na 'yun, Rouel. Hindi nasira ang Lux Amulet dahil sa ginawa ni Myera... nasira ito dahil sa ginawa ko. Kaya nawala ang Lux dahil ako mismong tagapagmana, nagpabalot sa sarili kong kadiliman."

Halata ang pagkabigla ni Rouel sa mga ipinagtapat ko sa kanya.

Natahimik siya, marahil siguro dahil hindi siya makapaniwala na nagawa ko nga ang lahat ng iyon. Ngunit imbes na matakot, tinitigan niya ako at inabot ang kamay ko para hawakan ito ng mahigpit.

"You're not perfect even if you're the Lux Princess. Katulad ng mga mortal sa mundong kinalakihan mo, walang nabubuhay na perpekto sa mundong ito."

"Pero binigo ko hindi lang ang buong angkan kundi pati ang dalawang mundong pilit kong pinagtatanggol. Hindi sinabi ni Brylle ang tungkol sa Shadow Fire pero kapag nalaman ng iba ang tungkol dun, siguradong madi-disappoint sila sa akin."

"Well I'm not disappointed. Just worried. Kahit sino at kahit ako siguro, kapag umabot na sa sukdulan ang galit ko ay makakapagpalabas din ako ng Shadow Fire. But as long as we know that it was wrong using it and we repent for it, then everything will turn out okay in the end."

"Paano mo nasasabi yan, Rouel? Paano mo natatanggap na ang Lux Princess ay halos gumamit na ng Dark Sorcery?"

"Kung si Clerion nga na isang tunay na Dark Sorcerer ay natanggap ko, ikaw pa kaya?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon