Wizard's Tale 3: Chapter 5

125K 3.5K 1.1K
                                    


(Alyanna POV)


Kung ano 'yung kabang naramdaman ko noong atakihin kami sa Erden Valley, ganoon din ang kaba ko ngayon. Parang mas malala pa nga ito dahil dito na sa Auserwalt Palace naganap ang pag-atake.

Sa dami ng mga malalakas na Luxurian na nasa palasyo namin, tanging sina Lolo Lorcan, Sylfer at Kerria lamang ang unang nakalapit sa akin. Karamihan kasi ay mga bangag at may hang-over pa sa party.

"Anong problema, Prinsesa?"

Itinuro ko sa kanila 'yung direksyon ng mga gustong umatake sa amin. Gumamit na rin sila ng Dragon's Eyesight Spell para matanaw ang tinutukoy ko kahit pa napakalayo nito. May malaking grupo ng Dark Creatures tulad ng Bone-Eaters, Mud Creepers at Animus Reapers ang papasugod na sa amin.

"Possible po ba 'yan? Hindi sila dapat basta-bastang makakasugod dito dahil 'yung Twin Walls lang ang pwede nilang madaanan."

"Possible po, Prinsesa..." kabadong sagot ni Kerria. "Possible kung nasira na ang Twin Walls at mga towers."

Para alamin kung tama ba ang hinala ni Kerria, isang lugar lang ang naisip niyang puntahan—ang gatekeeper at estatwang si Ferreus. Ngunit sa pagdating namin doon, isang kagimbal-gimbal na tanawin ang bumungad sa amin.

"Ferreus!" Wala na 'yung matatag na estatwang nag-iisang saksi sa lahat ng mga nagdaang henerasyon ng Lux. Nagkalat na sa lupa ang mga tipak ng bato—ang nagkapira-pirasong katawan niya. Pinatay siya!

Napaluhod naman si Kerria dala ng takot. "Noong binuo ng mga ninunong Terrashaw ang Twin Walls at Luxurian Towers, sinadyang ikunekta ang shielding powers nito sa enerhiya ni Ferreus. Sa pagkawala ng tagabantay, parang ordinaryong tulay na lamang po ang Twin Walls."

Bigla kaming nakarinig ng malakas na dagundong. Nagkaroon ng higanteng Shadow Summoning Circle sa kalangitan kaya halos magkulay-dugo ito. Isang grupo ng Dark Sorcerers ang nagpalabas nito at mukhang plano nilang magpadala pa ng mas malalaking halimaw.

"Kerria, bumalik ka ngayon sa palasyo," utos ni Lolo Lorcan. "Kung kailangang kalampagin mo ang lahat para magising sila, gawin mo. Kakailanganin natin ng mas matinding pwersa ngayon!"

Agad namang sinunod ni Kerria ang utos sa kanya. Samantala, kaming tatlo muna nina Lolo Lorcan at Sylfer ang humarap sa mga papalapit na Dark Creatures.

"Kailangan nating gumawa ng pansamantalang barrier para hindi sila makalapit sa palasyo. Akin na ang mga kamay niyo." Sa pamumuno ni Lolo, nagsagawa kami ng Land Protection Spell. May sinabi siyang mga kataga at saka namin sabay-sabay na inulit 'yun.


"Magnus Wall de Lumine!"


Yumanig ang lupang kinatatayuan namin at lumabas ang isang semi-transparent barrier na sumakop sa buong palasyo. Sa tingin ko'y matibay naman iyon, pero alam kong mas lalakas pa sana 'yun kung mas marami kaming nagsagawa ng spell. Ang kupad naman kasi ng mga tao sa palasyo!

"Sylfer, ikaw ang magbantay rito sa gate. Siguraduhin mong walang makakalagpas na halimaw."

"You can count on me, Master Lorcan!"

Napatingala naman kami ni Lolo Lorcan sa mga Animus Reapers na nagpapaikot-ikot sa himpapawid. "Alam ko po kung paano sila madaling mapapatay. Sa pamamagitan ng White Flames!"

"Then we'll light them up."

May ginawang fire spell si Lolo Lorcan saka niya ako sinabihan na palitan ko 'yung apoy sa kamay niya ng White Flames. Matapos iyon, pinakawalan na niya ito at nagmukhang mga kwitis na ang target ay 'yung mga nagliliparang reapers.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon