Wizard's Tale 1: Chapter 11

179K 4.7K 263
                                    


(Alyanna POV)


"Anong ginagawa mo dito Brylle?" Ayokong makita niya ako sa ganitong kalagayan.

"Sino ka naman?" Tanong ni Mrs. Highblood.

"Ako ang amo niya." Sagot ni Brylle, saka siya napatingin sa mga kamay kong nakaposas. "Tanggalin niyo na ang posas niya."

"Malaki ang pagkakautang ng babaeng yan saakin!"

"Ang Auntie Seline ko ang may utang sa inyo at hindi ako!" Pagtatanggol ko naman sa sarili ko.

Muli kaming nagsagutan ni Mrs. Highblood. Pero para matapos na ang lahat, muling pumagitna si Brylle. "Ako na ang magbabayad sa utang ng Auntie niya!" Isinigaw niya at ang seryoso lang ng mukha niya. Pero nang mapatingin siya saakin, nagawa pa niyang punasan ang luha sa pisngi ko. "Ako nang bahala, Yana."

Nabunutan ako ng tinik, pero mas lalo lang akong naiyak sa ginagawa ngayon ni Brylle.

Naglabas siya ng cheke at pinirmahan ito agad. Nang iabot niya ang cheke kay Mrs. Highblood, halos lumuwa na ang mga mata niya nang makita kung magkano ang nilagay ni Brylle dun.

"At kung ano mang kaso ang balak niyong isampa sa kanya, iurong niyo na."

"Oo! Oo naman!" Napatango ng ilang ulit si Mrs. Highblood. Mukhang pera talaga! At madali niya ring inutusan ang kapatid niyang pulis na tanggalin ang pinasuot nilang posas saakin.

"Tara na, Yana."

Nanghihina pa rin siguro ako kaya nahirapan pa akong ihakbang ang mga paa ko para makalapit kay Brylle. Nang mapansin niya ito, siya na mismo ang lumapit saakin.

"Umuwi na tayo."

Sabay kaming naglakad at sumakay sa isang maganda at mamahaling itim na sasakyan. Nasilip ko pa sa bintana ang mga gulat na gulat na mukha ng mga taong nakakita sa eskandalo kanina. Halatang mga nag-uusisa sila kung sino itong lalaking nagligtas saakin.


* * *


Tahimik lang kami sa buong biyahe hanggang sa makarating na kami sa mansyon ni Brylle. Pagbaba namin, tinapik lang ni Brylle ang sasakyan at nagbago na ito. Isa palang lumang sasakyan yun na ginamitan lang niya ng kapangyarihan.

Sinalubong kami ni Vander ng kakulitan niya. Pero pasikreto siyang sinenyasan ni Brylle. Agad namang na-gets ni Vander ang nais ipaabot sa kanya ng Master niya kaya umalis rin ito agad para bigyan kami ng oras ng katahimikan.

"Brylle, yung tungkol sa cheke. Totoo ba yun?"

"Oo. Wag kang mag-alala. Bayad na ang utang mo."

Sa sinabi niya, nakahinga ako ng malalim. "Salamat." Dahan-dahan akong lumuhod sa harap niya at kaharap ko na halos ang lupang inaapakan namin. "Utang ko sayo ang buhay ko Brylle. Salamat. Maraming salamat Master Brylle."

At habang sinasabi ko ito, lumuluha ako. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong inulit-ulit ang salitang 'salamat' sa harap niya at ipinaliwanag ko rin sa kanya ang totoo.

"Hindi naman talaga ako ang may atraso sa kanila. Ang Auntie Seline ko yun. Wala akong kasalanan sa kanila pero saakin nila isinisisi."

"Yana." Nang mapatingin ako sa mukha ni Brylle, parang may luha ding namumuo sa mga mata niya. "Naniniwala ako sayo. At okay na, tapos na ang problema mo." At itinayo niya ako.

Hindi niya alam kung gaano nun napagaan ang loob ko. Tuluyan akong napahagulgol, pero tinakpan ko lang ang mukha ko. "Salamat Brylle. Salamat talaga." At hindi ako magsasawang ulitin yun.

Napatigil niya lang ako sa kasasalita ko nang bigla niya akong yakapin. At kahit hindi niya sinabi, parang pumapayag siya na maari akong umiyak sa balikat niya. Hindi na ako nag-dalawang isip pa, niyakap ko rin siya nang mas mahigpit pa.

Ipinatong ko ang lumuluha kong mata sa mga balikat niya. Naramdaman ko ang pag-ihip ng malamig na hangin, pero mas ramdam ko ang mainit na yakap ni Brylle.


* * *


"Sorry, nabasa ko ang damit mo." Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa balikat niyang basang-basa dahil sa luha ko.

"Ayos lang. Matutuyo rin naman ito."

"Sorry uli. Hindi na ako nakapag-handa ng hapunan. Ang dami ko nang utang sayo."

Ang tagal niya bago nakasagot. At nang mapag-isipan na niya ang sasabihin saakin, "Pareho tayong sumumpa sa loob ng Initiation Ritual. May Bond Ring na nagku-kunekta saatin. Trabaho mo na sundin ako, kaya trabaho ko rin na pangalagaan ka. Sa puder ko, hindi ka na maghihirap pa. Ito ang bagong buhay na handog ko."

Na-touch ako sa mga sinabi ni Brylle. Buong buhay ko, ngayon lang ako nakatanggap ng ganitong pagpapahalaga. Kahit pa pinagdudahan ko siya noong una, pinatunayan niya na mabuting tao siya.

Muling nabalot ng katahimikan ang buong lugar. Nagpapakiramdaman lang kami.

"Brylle..."

"Ano yun?"

"Salamat."

Alam kong kanina pa niya naririnig ang salitang yun and the moment I said that again, kumuha siya ng dahon sa lupa at pinalipad ito! Sinundan ng mga mata ko ang dahong parang lobo na lumutang paitaas! Tinitingnan ko lang ito hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko.

"Wow." Na-amaze ako sa ginawa niya.

"Make a wish, Yana."

"Ha?" Yun pala, kumikislap na naman ang crystal sa singsing ko. Hindi ko alam kung sa paanong dahilan ko napasaya ngayon si Brylle. Basta ang alam ko, masaya rin siya ngayon.

"This time, don't say it out loud."

"Paano mo naman malalaman ang hiling ko?"

"I'll just know it!"

Nag-isip ako ng maigi. Then I closed my eyes at humiling na sa isip ko.

Ilang sandali pa, narinig ko uli ang boses ni Brylle at nagsabing, "Done!"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko and my eyes went wide open, knowing that my wish just came true!

Hindi ko alam kung paano niya nagawa ito. Hindi ko alam kung ano ang mga ito. Pero ang buong paligid, napapalibutan ng maliliwanag na bola.

"I wished for something magical to happen." So ano pa nga bang mas ma-magical dito! Ang galing lang! "Brylle, ano ang mga 'to?"

"Glowing orbs."

Kung idi-describe ko ang eksena ngayon, para kaming napalilibutan ng mga higanteng alitaptap. Nagkikislapan ito at naglalaro sa hangin.

"Ito ang panoorin mo, Yana." Napatingin ako sa ginawa ni Brylle. He poked one glowing orb and it bursted with bright lights and different colors!

"Ang ganda!" Lalo akong natuwa kaya ginaya ko na rin ang ginawa niya! Mas naging cool nga! Mas naging colorful! Mas naging magical!

At para na kaming mga bata na naglaro ng ilaw! Kahit na nakakasilaw, hindi ko inalis ang tingin ko sa mga glowing orbs na basa paligid namin.

"Brylle..."

"Nahawa ka na yata sa pagiging paulit-ulit ni Vander. You're welcome, Yana." Alam na niya agad ang balak kong sabihin. Pero dahil nagsawa na siya na ulitin ko pa, tinanguan ko na lang siya at sabay na kaming natawa.

Hindi rin naman talaga sapat na magpasalamat ako.

Nilibot ko na lang ng tingin ang lugar na kinaroroonan namin ngayon. Narito kami sa patay na hardin ng mansyon niya. Isang buwan na akong nakatira dito pero yung loon lang ng bahay ang nalinis ko.

Bigla nang may pumasok na ideya sa utak ko. Mukhang alam ko na kung paano ako makakabawi kahit sa munting paraan lang.




Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon