Wizard's Tale 3: Chapter 32

101K 3K 740
                                    


-NOTICE-

This chapter is incomplete and has several cut scenes. Para mabasa ng buo, Wizard's Tale 3: A Spell To Eternity is still available at all leading bookstores nationwide (National Book Store, Pandayan, Fullybooked, Booksale, etc) . Kung wala kayong makitang naka-display sa bookstore na malapit sa inyo, pwede kayong magtanong sa customer service at magpa-reserve sa kanila. Kung walang perang pambili, kahit manghiram na lang kayo sa mga kakilala niyo.

* * *


(Alyanna POV)


"We, witnesses of the Second Dark War, hereby pledge that in all we do, we stand against the evil forces and only listen to those with pure voices.

In accordance to the ideals set forth by the blessed New Lux, we promise to be of service to all Otherworlders and safeguard the interest of the innocent Mortal Worlders.

We shall live each day as a soul free from the past with a lifelong liberty out of the darkness.

Upon our honour we take this oath freely, as a member of the New Light Nation."


Ito ang New Light's Pledge na sinumpaan ng lahat matapos ang digmaan.

Binago nito ang aming angkan. Tuluyang nabuwag ang White Light Clan at sa halip ay pinalitan ng mas nararapat na pangalan, ang New Light Nation. Binubuo ito hindi lamang ng mga Luxurians kundi pati na ang lahat ng mga naniniwala sa kabutihan at kapangyarihan ng bagong Lux.

Bilang pagtupad naman sa pangako ko kay Clerion at sa buong Snow Vetters Tribe, pinalaya ko sila sa sumpa ng Dark Sorcery, gayon din ang ibang mga tribong nagnanais ng pagbabago.

Samantala, napatawan pa rin ng karampatang parusa ang mga Flemwall na napatunayang nagkasala. Ngunit hindi sila pinatay o ipinatapon sa Atreria. Sa halip ay mamumuhay sila ng simple sa Mortal World. Kapag lubos na nilang napagsisihan ang kanilang mga kasalanan at natuto na ng kanilang aral, saka pa lamang sila makakabalik sa Otherworld.

Nanatili naman ang ibang inosenteng Flemwall at sa pamumuno ng bagong hirang na si Headmaster Lorcan, makakapagsimula uli sila ng bago.

Isang buwan pa ang kinailangan para sa kumpletong rehabilitasyon ng buong kaharian. Naayos na ang mga dapat ayusin, nagsisimula na ring magmove-on ang lahat.

"Gud jay, Jander! Gud jay, Jaja! Joweys jeyk ker!" pamamaalam ni Jango kina Vander at Lala. Malaki ang naitulong ng Terremous Giant lalo na sa pag-aayos ng nasirang kaharian. Hinding-hindi namin siya makakalimutan at nangako naman siyang dadalaw paminsan-minsan.

Si Lala naman, matapos ang pagkamatay ng kanyang Master Kerria ay binigyan ng pagkakataon nina Sir Nower na mamili kung saan niya gustong manatili. Pinili ni Lala na sa amin sumama at nakabuti ang desisyon niya. Kasama niya rin kasi si Vander na lubos na nakakaintindi sa sitwasyon niya. Maaring matagalan bago bumalik ang dating Lala pero tutulungan naman namin siyang maging masaya uli.

Hapon naman ang nakatakdang pag-alis ni Sorceress Louhi. Magkasama namin siyang inihatid ni Lolo Lorcan sa gate.

"Hanggang dito na lang, Lux Princess Alyanna."

"Mag-iingat po kayo, Sorceress Louhi."

"Naku, sila ang mag-iingat sa akin!" Natawa ako dahil may point siya roon. Ngunit, itinuon ng Sorceress ang tingin niya kay Lolo na kanina pa walang imik. "Ikaw dyan, Lorcan? Wala ka bang ibang sasabihin?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon