Wizard's Tale 1: Chapter 10

183K 4.8K 252
                                    


(Alyanna POV)


Hindi ko man lang napansin ang mabilis na paglipas ng araw. Naka-isang buwan na pala ako dito! Sa paninilbihan ko kay Brylle Zaffiro, ni hindi ko man lang naramdaman ang hirap, hindi tulad noong nasa puder pa ako ng Auntie ko.

Kahit na madalas kaming nagbabarahan ng amo ko ngayon, matino na yun para saakin. Palagi ring sinasabi ni Vander na ako nga lang daw ang namumukod tangi na nakasundong mortal ng Master Brylle niya.

"Yana, Yana, Yana!" Sumulpot na naman si Vander habang naglalampaso ako ng sahig.

Alam ko na nga pala ang ginagawa niya kung bakit pabigla-bigla siyang nawawala at sumusulpot kung saan. Yun ay dahil may kapangyarihan siyang maging invisible. "Heto na!"

"Ang ano?" Pa-suspense effect pa! Nakita na niyang busy ako sa paglalampaso.

"Ito na ang una mong sweldo!" Naglabas ng pera si Vander. "Humiling ka ng twenty thousand kay Master Brylle pero dinagdagan niya pa yan ng limang libo dahil sa magandang serbisyo mo!"

"Talaga!" Kumislap ang mga mata ko nang first time kong makahawak ng sweldo. May tip pa akong limang libo! "May pambayad na ako ng tuition fee para sa college!"

At sakto, pababa na ng hagdan si Brylle at naabutan niya akong tumatalon sa tuwa. Pero siguro dahil naririndi siya sa ingay ko, pinalutang na naman niya ako sa ere! "Ang aga-aga, ang ingay mo!"

"Brylle!" Madalas niyang gawin ito saakin, para ngang nawala na ang fear of heights ko dahil sa kanya! "Ibaba mo na ako. Hindi na ako mag-iingay." Pagkasabi ko nun, ibinaba na rin niya ako.

"Alam mo—"

Bago pa man siya magsalita, napayakap na ako agad sa kanya sa sobrang saya! "Salamat Brylle! Salamat sa sweldo ko!"

At nang mapatingin ako sa mukha niya, nakatitig lang saakin ang gulat niyang mukha.

Nginitian ko lang siya pero humawak siya sa balikat ko at itinulak ako palayo. Saka siya umiwas ng tingin. Ano na naman kayang sumpong niya?

"Salamat sa sweldo ko. May tip pa ako limang libo! Ang sweet mo palang amo eh!"

Makikipag-apir pa sana ako sa kanya pero yung kamay niya, sa mukha ko lumanding.

Humawak ako sa kamay niya parang tanggalin yun sa mukha ko pero nang gawin ko yun, hinila naman niya ito agad.

"Ang daldal mo. Maglinis ka na nga lang uli."

"Yes boss!" At sinamahan ko pa yun ng bonggang saludo.

Nagsimula nang maglakad paalis si Brylle pero nahuli ko pa siyang tumingin uli saakin. Nginitian ko naman siya at kinawayan ko pa pero nagsalubong lang ang kilay niya at ini-snob ako.

Parang ewan lang siya! Pasalamat siya masaya ako sa natanggap kong sweldo kaya hindi na muna ako mag-iisip ng masama sa kanya. Saka na uli. Hwahaha!


* * *


Ang dami ko na agad plano sa sweldong nakuha ko! Ipambabayad ko yun ng tuition fee, bibili ako ng mga gamit sa darating na pasukan at yung matitira kong pera ang gagawin kong baon.

Kaso may bigla akong naalala. Nalungkot ako dahil gusto ko nang kalimutan yun, pero hindi ko dapat takbuhan ang problemang yun. "May utang pa pala akong dapat bayaran."

Pero hindi ko naman talaga utang yun! Utang yun ng Auntie ko! Kaso sa ginawa kong pagtakas kay Mrs. Highblood, parang mali naman. Ayaw ko siyang pagtaguan tulad ng ginawa ni Auntie Seline.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon