Wizard's Tale 3: Chapter 29

92.9K 2.8K 832
                                    


(Brylle POV)


A close friend died already. Kerria sacrificed herself to save Prince Rouel. Kung naroon lang sana ako, may magagawa ako para mailigtas siya mula sa Dark Spell na tumama sa kanya. But I can't leave my post. My job is to guard this island and protect Yana at all cost.

Minamatyagan ko rin ang leader ng mga kalaban. Mukhang nahahalata na niyang wala si Yana sa kaharian. Night Hollowick casted a dark version of Dragon's Eyesight Spell and soon enough, he found out that we are here.

He looked directly at me and an evil smirk appeared across his face, "You think you can hide your Princess?" he said. Then he ordered the remaining Dark Sorcerers in his side to attack us.

"Vander, Jango, maghanda kayo. Alam na ni Night Hollowick na narito tayo."

Hindi kami nagpatinag sa kinatatayuan namin at tiningnan ko lang din ng masama si Night, "Bring it on. Hinding-hindi kayo makakalapit sa kinaroroonan ni Yana."

"Gwaaar! Jerk Jorjerer!" sigaw ni Jango nang matanaw na ang grupo ng Dark Sorcerers na mabilis na lumilipad sa direksyon namin.

Itinutok ko ang wand ko sa kanila, naghihintay ng tamang tyempo at nang may tamang distansya na, "Laiton krølle prah!" Nagpalabas ako ng Black Twister na tumama sa grupo nila. Karamihan sa kanila ay tumalsik palayo, ngunit may limang nakailag na tuluyang nakatapak dito sa isla.

"Sugod, sugod, sugod, Jango!" sina Vander ang bahala dun sa dalawa. Ako naman ang humarap dun sa tatlo.

"Wala kang utang na loob, Kaleel. Iniligtas ka ng Prinsesa namin at ito ang igaganti mo?"

"Isang Prinsesa lang ang nagligtas sa akin. At 'yun ang Prinsesang ipinagtatanggol ko ngayon."

We started the fight and the enemy was the first to attack. Sumipa ito upang patamaan ako sa ulo, ngunit umiwas ako paibaba para sipain naman ang naiwang paa niya sa lupa, dahilan para matumba siya. Bumangon siya agad at tumalon paatras upang muling gumawa ng distansya.

'Yung dalawang kasama naman niya ay nagtulong na sabay na umatake sa akin. Mas coordinated ang mga galaw nila kaya paatras kong sinasalag ang mga atake nila. Alam kong ang balak talaga nila ay makalapit pa sa mausoleum kung kaya't muli ko nang ginamit ang aking wand at parang baril silang tinira ng sunud-sunod na Double Element Blast. Syempre, may kaunting dark energy sa ginamit ko dahil mas epektibong panlaban sa kanila ang sarili nilang kapangyarihan.

Nang matalo ko 'yung dalawa, muli kaming nagharap ng nauna kong kalaban. With his dark force, he shoved me into the air, but I still managed to land with my both feet on the ground.

Ngumisi 'yung kalaban ko. Napagbigyan lang ng kaunti, tingin niya ay mananalo na siya. Para hindi na siya umasa, mas nagseryoso na ako.

This time, ako naman ang umatake with a combo of spinning and flying kicks. Balak pa sana nitong gamitin ang sariling wand pero sinipa ko ng malakas ang kamay niya kaya nabitawan niya ito at tumalsik iyon palayo.

Mas ginulat ko siya nang maglaho ako sa harapan niya. He looked from side to side but I was already up in the air, making my way for a hard landing on his back so he can kiss the ground for good.

Natalo ko ang mga kalaban nang hindi man lang pinagpapawisan. Nang tingnan ko naman sina Vander at Jango, kanina pa pala nila pinisa ang mga kalaban nila at nanonood na lang sila sa akin. "Hwawowow, Master Brylle! Ang astig astig astig mo na talaga! 'Di ba, Jango?"

"Je, Jander! Jar ja Grey!"

"Ano raw? Baka mamaya minumura na ako niyan!"

"Ano ka ba, Master! Ahahahaha! Brylle the Great daw po!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon