Wizard's Tale 2: Chapter 17

159K 3.5K 851
                                    


(Alyanna POV)


Ilang araw matapos ang meeting na 'yun, gumawa na ng kautusan ang Hari. Kailangang mag-reunion ang lahat ng leaders ng angkan. At ako na Prinsesa ng Lux ang dapat na humarap at mang-imbita sa kanila.

Dahil nandito na si Headmaster Diazo, ang kulang na lang ay sina Chief Clive Terrashaw, Master Wendel Aersseys at si King Roland Glaciever.

Ang unang destinasyon namin ay sa Eiskalt kung saan matatagpuan ang kaharian ng Glaciever.

"Mahal na Prinsesa, kakailanganin niyong isuot 'yan pagdating natin sa Eiskalt." May iniabot sa akin si Kerria na black cloak at pamilyar sa akin ang bagay na 'yun!

"Ito ba yung Abeo Cloak? 'Yung nakaka-pangit ng itsura? Kerria naman, kailangan ko ba talagang isuot 'yan?"

Natawa naman siya sa akin, "Aestus Cloak po ang tawag dyan. Nagyeyelo po kasi sa Eiskalt kaya proteksyon niyo 'yan laban sa lamig."

"Talaga?" Sinubukan kong isuot ang cloak at, "Hwooh! Ang init nga! Hindi naman ba ako matutusta nito? Sige, isusuot ko 'to mamaya."

Agad na naming pinuntahan ang iba pang makakasama namin sa paglalakbay. Pero biglang may sumulpot na lalaki sa gilid ko at sinabayan pa ako sa paglalakad. Pagtingin ko kung sino 'yun...

"Greetings to you, Princess Love!"

Napaatras ako. Tinawag niya akong LOVE! Isang poging kulugo lang ang naalala kong tumawag sa akin ng ganun!

"Ikaw! Sylfer!"

"At your service, Your Highness!" sabay kindat.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Everyone's here, so sumunod na rin ako." Ngumiti siyang parang ewan tapos parang may bigla siyang na-realize. "Princess Love, you called me by my name! Naalala niyo ako! Parang tatalon na yata ang puso ko sa galak!"

Kalalaki niyang tao, pero bakit ang landi niya? Pero hindi naman ako naiinis o naasiwa sa kanya. Immune na kasi ako sa ganung kakulitan. Kay Vander pa nga lang, quota na!

"Sino ba namang makakalimot sa ginawa mo sa akin noon sa party? Tapos 'yung mga pinaggagawa mo pa noon sa quest."

"So you were watching me during the quest! I feel so honored!" At pumalakpak pa ang kumag! Dapat bang ipagmalaki 'yun? Kadiri kaya 'yung utot spell niya!

Hindi ko na nga lang siya pinansin at nagpatuloy na uli ako sa paglalakad.

Natatanaw ko na ang mga makakasama namin kabilang na sina Brylle. Nang makalapit na kami sa kanila, muling umepal si Sylfer, "Princess Love..."

"Alyanna! Alyanna po ang pangalan ko."

"Princess Alyanna Love..." Ang kulit! Mahaba ang pasensya ko pero 'wag naman niyang sagarin! "Before we start the journey, I have one serious question that requires your answer."

"Ano naman 'yun?"

"Your Highness, will you marry me?"

Sobrang lakas ng boses niya at narinig 'yun ng lahat! Confirmed na mentally imbalanced nga ang hunghang na Sylfer na 'to! Bago ko pa man patulan ang kalokohan niya, may isa nang tuluyang napikon sa biro niya.

"Ano ka ba namang bata ka!" Hinampas ni Lolo Lorcan ng kanyang tungkod si Sylfer. "Bakit ba ginugulo mo ang Prinsesa? Wag ka na lang kayang sumama?!"

"Master Lorcan, seryoso naman po ako. Balita na ang pagsisimula sa paghahanap ng lalaking pwedeng itakda sa Prinsesa natin! Kaya naman ngayon pa lang, I'm recommending myself to be a candidate!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon