Wizard's Tale 1: Chapter 29

161K 3.8K 649
                                    


(Alyanna POV)


"Boo Hag." Ang sagot saakin ni Brylle tungkol dun sa nilalang na umatake kanina kay Elysse at saakin. Nakwento ko na sa kanya ang lahat ng nangyari.

"Ano yung Boo Hag?"

"Para silang smoke vampires. Pero imbes na dugo, nagnanakaw sila ng lakas sa isang tao sa pamamagitan ng paghigop ng hininga sa mga biktima nila habang natutulog ito."

Dahil sa nalaman ko, bigla akong may na-realize. "Kaya pala sinasabi ni Elysse na madalas siyang napapagod nitong mga nakaraang araw. Biktima na pala siya ng Boo Hag na yun! Pero bakit naman sa dinami-dami ng pwede nilang biktimahin, si Elysse pa?"

Hindi niya nasagot ang tanong ko. Malamang hindi rin niya alam. "Pero Master Brylle, kung talaga ngang Boo Hag ang nanggugulo sa kaibigan ni Yana, nalalagay siya sa panganib."

"Anong panganib?" Natakot ako bigla sa sinabi ni Vander.

"Hindi tumitigil ang isang Boo Hag sa pagnanakaw ng lakas ng isang tao lalo pa at napili na niya itong biktima. Pero ang malalang pwedeng mangyari, kapag nagsawa na ang Boo Hag sa kanya, pwede niyang nakawin ang balat ng kaibigan mo."

"Nakawin ang balat?"

"Literal yun Yana. Nanakawin ng Boo Hag ang magandang balat ni Elysse." Seryosong sinabi ni Brylle.

"My ghad!" Ang brutal naman nun! Iniisip ko pa lang na skinless si Elysse, kinikilabutan na ako. "Anong gagawin natin? Kailangan talaga natin siyang tulungan!"

Tumingin ako kay Brylle pero parang wala siyang pake. "Ano namang makukuha ko kung tutulungan ko siya?"

"Ang sama mo naman! Mabait naman sayo si Elysse. At saka maawa ka naman sa kanya!"

"May simpleng paraan naman Yana." Buti na lang nandito si Vander. "Pwedeng maglagay ang kaibigan mo ng walis sa tabi ng kama niya bago siya matulog. Imbes kasi makapagnakaw ng lakas, malilipat ang atensyon ng Boo Hag dun sa walis at bibilangin niya ang bawat hibla nito nang walang tigil."

Napakunot ako ng noo. "Ngek! Paano ko naman mako-convince na magtabi ng walis si Elysse sa tabi ng kama niya bago siya matulog!" Masasabihan na naman ako ng weirdo nun! "At saka pati sa school inatake na siya di ba? Hindi na yata effective yun, Vander."

"Kawawa naman ang kaibigan mo. Pero ganyan talaga." Ang parinig ni Brylle na halatang wala talagang pakialam.

"Kaya nga tulungan mo kami. Please naman Brylle. Siguro naman may iba ka pang alam na spell."

"Meron nga!" Sabi ni Vander.

"Wala."

"Meron daw eh!" Magdadamot pa talaga oh!

"Wala—at ayoko."

"Ang damot mo! Ang sama mo! Siguro naduduwag ka sa Boo Hag kaya ayaw mong tumulong noh?"

"Sinong duwag?"

"Malamang ikaw!"

Nagsimula na kaming magtalo ni Brylle habang pinapanood kami ni Vander. Wala na nga akong pake kahit may namuong impurity sa suot kong singsing. Siya 'tong madamot sa pagtulong, siya pa ang may ganang magalit!

"Alam mo, kung ako lang ang may kapangyarihan na tulad mo, hindi ako magdadamot sa pagtulong!"

Pero kahit sinabi ko yun, parang hindi pa rin tinablan ng awa si Brylle.

"Wala ka na talagang pag-asa, Brylle! Bahala ka na nga!" At iniwan ko na sila dun. Narinig ko pa na tinawag ako ni Vander pero hindi ko na lang sila nilingon. Naasar talaga ako kay Brylle.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon