Wizard's Tale 3: Chapter 1

145K 3.4K 527
                                    


(Alyanna POV)


Tahimik at mag-isa lang ako sa loob ng library ng aming palasyo. Ibinilin ko sa mga taga-bantay na huwag akong istorbohin dahil nagre-review ako para sa isang mahalagang pagsusulit bukas.

Isang libro na may kinalaman sa Elemental Incantations ang kailangan ko ngunit nasa pinakatuktok iyon ng bookshelf na kasing taas ng two storey building. Dahil tinatamad na akong kunin 'yung hagdanan, nag-isip ako ng ibang paraan para makarating dun.


"With a whisper in the air,

I cast these books as my stair."


Gamit ang mga librong katatapos ko lang din basahin kanina, pinalutang ko ang mga 'yun para magsilbing hagdan ko. Humakbang ako sa unang libro at nang masiguro kong kaya nun ang bigat ko, inakyat ko na 'to all the way.

Nang makuha ko na ang librong kailangan ko, bigla namang may boses na umagaw sa aking atensyon. Ang Ice Prince ng Glaciever na si Rouel. "I can't believe you're still doing that," sabi niya sa akin at ang tinutukoy niya ay 'yung spell na ginamit ko.

"Tinatamad kasi akong kunin 'yung hagdanan kanina. At tsaka, astig naman kaya!" pagyayabang ko naman. "Siya nga pala, ibinilin ko dun sa mga taga-bantay na bawal akong istorbohin. Paano ka nakapasok?"

"I scared them off."

Natawa ako bigla. Hindi na ako nagtataka. Sa dalawang taon na lumipas, mas lubusan kong nakilala ang Prinsipe ng Glaciever.

Masungit, seryoso at strikto—ganyan ko siya nakilala noong umpisa. Pero pasimpleng mabait, makwento rin naman at lihim pala siyang makulit. At sa ganoong ugali naman niya kami nagkasundo.

Mas naging close kami dahil siya ang nakasama ko noong mga panahong wala ako sa aking sarili. Noong mga panahong nagluluksa ako, siya 'yung tumulong sa akin na mag-move on.

Sa sobrang close na namin, pumayag na siyang Rouel na lang ang itawag ko sa kanya. Nahahabaan na rin kasi ako sa Prince Rouel. Siya naman, tinatawag na niya ako sa nickname kong 'Yana' pero hindi pa rin maalis 'yung title kong 'Princess.' Ayaw niya na sa first name ko lang niya ako tawagin dahil nananatili pa rin daw akong Prinsesa ng Lux.

"You're supposed to be resting. Bukas na ang pagsusulit mo."

"Kaya nga nagre-review ako," sagot ko sa kanya. Nakatungtong pa rin ako sa pinakatuktok nung librong pinalulutang ko.

"May tanong ako. Aral ka nang aral pero bakit hindi mo subukang lumipad? Nasa dugo mo naman ang pagiging Aerssian."

Panandalian akong natigilan sa pagbabasa. Hindi iyon ang unang beses na may nagsabi sa akin ng tungkol sa pag-aaral ng paglipad. "Bakit kailangan ko pang matutong lumipad kung kaya ko namang mag-levitate ng mga gamit at pwede ko rin namang sakyan si Milka."

"Iba pa rin kung nakakalipad ka nang mag-isa."

Tiningnan ko siya at palihim na umirap. Alam ko namang masarap sa pakiramdam na lumipad nang mag-isa, may mabigat nga lang talaga akong dahilan kung bakit hindi ko iyon magawa. Masyado iyong personal at tingin ko ay hindi niya maiintindihan.

Minabuti kong ituon na lang uli ang atensyon ko sa aking binabasa. At kahit hindi naman siya direktang nakatingin, alam kong nakikiusyoso si Rouel sa mga librong kasalukuyan pa ring nakalutang. "Intermediate level of spells. Kaya mo na bang i-handle ang mga 'to?"

"Secret! Isa ka sa mga pwede kong makalaban bukas. Hindi ako pwedeng magbigay ng kahit na anong impormasyon sa mga kaaway."

Napailing naman siya. "Takot kang magpatalo."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon