Wizard's Tale 3: Chapter 10

123K 3.4K 510
                                    


(Alyanna POV)


Naalimpungatan ako sa liwanag na tumatama sa aking mukha. Iminulat ko ang mga mata ko at nakahiga ako sa sarili kong kama rito sa Auserwalt Palace. Pero teka... paano ako napunta rito?

Nanatili akong nakahiga at nakatitig sa kisame. Inalala kong mabuti kung ano ang mga nangyari bago ako napunta rito. Unti-unti ay bumalik ang mga eksena sa utak ko. 'Yung plano namin ni Vander. Blutberry soup. 'Yung pagi-improvise ng script ni Sylfer. Waterfalls. 'Yung pagkalunod ko. Smiley birthmark. Si Kaleel... si Kaleel ay si Brylle.

Napapikit akong muli. "Sinong nandyan!" sigaw ko. "Stop playing tricks on my mind! Alam kong ilusyon lang 'to!"

Naramdaman siguro ng gumagawa ng kalokohang ito na galit at seryoso ako kaya kusa siyang nag-dispel. Parang usok na napalitan ang paligid at nalaman kong ang pangit pala ng lugar na kinaroroonan ko ngayon.

Nasa isang madilim na kwarto ako. Malamig ang mabatong dingding at may rehas pa ang nag-iisang maliit na bintana. Hindi rin matino ang kamang hinihigaan ko—parang katulad ng kama ko na ibinigay sa akin noon ni Auntie Seline dun sa Mortal World.

"I'm amazed." Nagulat ako sa biglang nagsalita. "You knew it was an illusion."

"Brylle..." Napangiti ako dahil siya naman pala ang kasama ko. Bumangon ako agad para makalapit sa kanya ngunit isang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay may bumangga sa akin. "Ano 'to? Bakit may nakaharang na salamin?"

Naalala ko na katulad ito ng glass cage na pinagkulungan sa akin noon ng Animus Reaper.

"Brylle... anong ibig sabihin nito? Tulungan mo akong makalabas dito!"

"Una, Kaleel ang pangalan ko. Pangalawa, hindi ko pwedeng tulungang makatakas ang isang bihag na pinaghirapan kong hulihin."

Napanganga ako sa sinabi niya. "Bihag mo ako?" Nagkasalubong lang ang kilay ko at hindi makapaniwala sa mga sinasabi niya. "Niloloko mo lang ako, 'di ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

"You called out my name when I was falling! You called me Yana!"

"Only because you wanted me to... Yana."

"Ano bang nangyayari sayo?" Pinaghahampas ko' yung nakaharang na salamin ngunit hindi man lang ito natinag. "Mas pinili mong iligtas ako kaysa kunin ang Lux Amulet! Alam kong naalala mo na ako!"

Natawa siya bigla at saka dahan-dahang lumapit para ipamukha sa akin ang isang bagay, "Sino bang may sabi na ang Lux Amulet ang habol ko? I asked you to take it off so that I can use my dark spell over you and take you here."

Nagsimulang bumigat ang paghinga ko. Nanlumo ako at naupo pabalik dun sa kamang hinihigaan ko kanina.

Hindi pa rin ako naaalala ni Brylle. At ang turing pa niya sa akin ngayon ay isang bihag. Bakit? Bakit hindi niya pa rin ako naaalala?

* * *

Ilang oras na ang lumipas pero ano nga bang hinihintay ko? Hinihintay ko si Brylle na sabihin niya sa akin na joke lang ang lahat ng ito. Na pinagti-tripan niya lang ako tulad ng dati. Na baka kasama lang 'to sa epic plan niya. Na talagang naaalala niya ako at nagkukunwari na lang na hindi.

Kaso hindi. Pero tanga pa rin akong umaasa na sana nga.

"Ginagamit ka lang nila, Brylle." Binasag ko na ang katahimikan. "Ginagamit ka lang nila laban sa akin. But I know you remember me. I know that somewhere deep inside you knows who I am."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon