Wizard's Tale 1: Chapter 39

149K 3.5K 324
                                    


(Alyanna POV)


Kasama namin si Vander na nagpalit anyo lang para magpanggap na driver para ihatid kami sa mansyon ng mga Fabel. Pero bukod doon, tungkulin niya na magbantay sa labas dahil sa oras na magkagulo na ang mga tao, pakakawalan niya ang mga spell ants.

Nang makarating na kami, namangha lang ako sa ganda ng mansyon nila Elysse! "Grabe Brylle! Walang-wala ang haunted mansion mo dito sa mansyon nila Elysse!" Pagbaba namin ng sasakyan, may mga taong umasikaso saamin.

Para kaming mga royalties nang salubungin nila kami. Napatingin ako kay Brylle at ang pormal-pormal lang ng dating niya! Pagpasok namin sa loob, napakaraming bisita na halatang sa mayayamang pamilya nanggaling.

"Parang nahihiya na ako, Brylle. Ang daming nakatingin satin."

"You're beautiful. Don't mind them and just smile." Hinawakan naman niya ang kamay ko para kumapit ako sa braso niya. "Let's go. We still got a work to do."

Binati naman kami ni Elysse the moment na nakita niya kami. Sobrang excited siya na makita kami. "Thank goodness nakarating na kayo!" Napatingin muna siya kay Brylle. "You look so handsome, Brylle."

"And you look dazzling, Elysse." Kinilig naman si Elysse sa sinabi ni Brylle at saka sila nag-beso sa harap ko!

Tapos, saakin naman tumingin si Elysse at gulat siya nang makita ako. "Wow Alyanna! Ikaw ba yan?" Hulaan niyo? Anong bagong lait na naman kaya ang kasunod?

"You look like a Princess tonight!" Na-speechless ako dahil isang himala ang naganap. Tama ba yung narinig kong sinabi ni Elysse? Hindi niya kao nilait! Binati niya ako! Napangiti na ako nun at nagyakap na din kami. "Come on, I'll introduce you to everyone."


* * *


Iba pala talaga magpa-party ang mga elite! Ipinakilala kami ni Elysse sa iba pa nilang bisita at si Brylle lang ang nagsasalita. Hindi mo aakalaing isa siyang wizard na anti-social at merong abnormal lifestyle.

Hindi naman palaging nasa amin ang atensyon ni Elysse. Inaasikaso niya rin ang ibang mga bisita nila. Pero ang talagang nakakaagaw sa pansin ko sa lahat ng mga nakakasama niya ay si Prince Dustin.

Kapag lalapit kasi saamin si Elysse, iiwanan siya ni Prince Dustin at sa iba magkikipag-usap. Halatang iniiwasan niya ako at hindi ko siya masisisi dun. Pero ayokong matapos ang gabing ito na walang ginagawang paraan para ayusin ang gusot sa pagitan naming dalawa.

Sa kabila ng problemang alam naming parating, sinusubukan pa rin naming i-enjoy ang party. First party ko nga ito di ba kaya sinusulit ko ang moment.

But the whole time of the party, hindi kami lumalayo sa tabi ni Elysse. We're making sure na malapit siya sa Lux Amulet na nasa bulsa lang ni Brylle sa mga oras na ito.

Ilang oras din ang lumipas at ramdam ko na ang tensyon sa pagitan namin. "Brylle, malapit na ang oras."

"I know." At hindi na tinatanggal pa ni Brylle ang tingin niya kay Elysse. "We should stick to the plan. I have to be with Elysse when the clock strikes twelve."

At dahil wala saakin, kahit konti lang ang atensyon ni Brylle, aaminin kong medyo nalungkot ako. Hindi ako sanay na sa iba ang mga tingin niya. "Bakit ganyan ang itsura mo?"

"Bakit ano na namang meron sa itsura ko?" Nakasimangot ba ako? Halata ba?

"Bakit nakasimangot ka dyan?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon