Wizard's Tale 3: Epilogue

210K 6K 2.1K
                                    


-NOTICE-

This chapter is incomplete and has several cut scenes. Para mabasa ng buo, Wizard's Tale 3: A Spell To Eternity is still available at all leading bookstores nationwide (National Book Store, Pandayan, Fullybooked, Booksale, etc) . Kung wala kayong makitang naka-display sa bookstore na malapit sa inyo, pwede kayong magtanong sa customer service at magpa-reserve sa kanila. Kung walang perang pambili, kahit manghiram na lang kayo sa mga kakilala niyo.

* * *


(Alyanna POV)


Higit apat na taon ang lumipas...


-CUT SCENE-


Natupad ko na ang pinakapangarap ko at 'yun ay ang maka-graduate sa kursong gusto ko! Nang makuha ko na ang mga papeles na kailangan ko, nagmadali na akong pumunta sa car park ng university. Paniguradong naiinip na ang mga naghihintay sa akin dun. Pagdating ko...

"Tadaah!" Iwinagaywag ko sa harap nila ang envelop na nagpapatunay na nairaos ko nang tunay ang college life. "Nakuha ko na! Yebah!"

Ang saya-saya ko pero wala man lang akong nakuhang reaksyon mula sa mga taong kaharap ko.

Si Brylle, bugnot na habang nakaupo sa driver's seat ng sasakyan. Isang katakot-takot naman na sama ng tingin ang nakuha ko kay Elysse. At si Dustin na dapat sana'y kakampi ko ngayon, nakaidlip na sa tabi niya.

"Anong oras na?!" sabay akong nabulyawan nina Brylle at Elysse, dahilan para magising na si Dustin. "You made us wait for one effin' hour!" Dagdag pa nung maldita.

"OA naman! Forty-five minutes lang naman 'yun. Ang haba kasi ng pila eh."

"You have this magical thing and you don't use it naman! How stupid can you be, Yana?"

Sasawayin pa sana siya ng bagong gising na si Dustin pero hindi na nito napigilan ang malditang bibig ng newly wife niya. Opo. Ikinasal na po ang dalawa nitong taon lang din.


-CUT SCENE-


"Oh? Do you wanna keep standing there or what? Today is your big day, remember? Make it quick! You're so mabagal talaga!"


-CUT SCENE-


Tahimik tuloy ang naging byahe namin hanggang sa makarating na kami sa dapat naming puntahan—sa eskinita kung saan nago-open ang portal pabalik sa Otherworld.

Ang ikinagulat lang namin, may isa kaming kakilala na nakasalubong doon. "Hey! Princess Love! Brylle Zaffiro! What a surprise!"

At yayakapin niya sana ako pero hinarangan siya ni Brylle. "Subukan mo, Sylfer."

"Talagang susubukan ko kaya tumabi ka dyan!" Pilit niya akong inaabot pero tuloy naman sa pagsupalpal si Brylle sa mukha niya. "Ano ba! Hinahamon mo ba ako!"

"Ako ang 'wag mong hinahamon!"

Nakikita ko na ang mga apoy sa kanilang mga mata para gawin na sana 'yung ritwal nilang bugbugan sa tuwing magkikita silang dalawa pero pumagitna ako, "Subukan niyong maglaban sa mundong 'to, pag-uumpugin ko talaga kayo!"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon