Wizard's Tale 2: Chapter 18

139K 3.3K 509
                                    


(Alyanna POV)


Ang sunod naming destinasyon ay ang Clouds of Wilberwind para ma-meet si Master Wendel ng Aersseys Tribe. Siya ang ama ni Queen Alisia so in short, Lolo ko siya!

Ready na ang lahat at nakasakay na nga kami sa mga Yeti para puntahan ang Access Tower na kunektado naman sa pinakamalapit na tower sa Wilberwind.

Okay na sana ang lahat pero ginulat kami ng makabasag-eardrums na sigaw ni Lala. "Prinsesa Yana, Prinsesa Yana, Prinsesa Yana! Sina Vander at Master Brylle niya po! Hindi na raw sila sasama sa atin!"

"Ano?" Kaya ba wala pa 'yung dalawang 'yun dito? "Sigurado ka, Lala?"

"Rinig na rinig na rinig kong kausap ni Brylle si Master Lorcan. Nagpapaalam siyang hindi na sila sasama ni Vander!"

"Hindi pwede 'yun! Teka nga!"

Tamang-tama, nakasakay na ako sa Yeti. Nagulat na lang ang mga tagabantay ko nang mag-isa ko nang patakbuhin ito para puntahan kung nasaan sila Brylle ngayon.

Nang makita ko na sila, "Brylle! Ano 'yung sinabi sa akin ni Lala na hindi na raw kayo sasama ni Vander? Iiwan niyo ako?" Hinintay ko silang magpaliwanag. Yumuko lang si Vander at tinuro si Brylle. Si Brylle naman, mukhang walang balak na umimik kaya nagpatulong na ako kay Lolo Lorcan. "Lolo, wag mo silang payagan!"

"Master Lorcan, marami na kayong kasama kaya okay lang po kahit wala na kami ni Vander."

Hindi naman alam ni Lolo kung kanino siya makikinig.

"Teka ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Nag-aaway ba kayo?"

"Hindi po, Master."

"Galit po sa akin si Brylle!"

"That's not true."

"Not true? Hindi mo nga ako pinapansin simula pa nung magpunta tayo rito! Tapos kagabi, nung makita mo kami ni Prince Rouel na magkasama, ni hindi mo ako hinayaang magpaliwanag!"

Parang lalong naguluhan si Lolo Lorcan pero syempre, alam kong kakampi ko siya. "Batang Zaffiro, totoo ba ang sinasabi ng Prinsesa?"

"Hindi po."

"Sinungaling! Hindi ka nga makatingin sa akin!"

Dahil sa paghahamon ko, tinitigan niya talaga ako, "Hindi ako galit. At wala akong karapatang magalit." Hindi raw galit pero ang diin ng bawat salitang sinabi niya! Tapos nakataas pa ang isang kilay!

Sinadya ko na lang na magpaawa kay Lolo Lorcan para ako ang kampihan niya. At mukhang effective naman! "Kung ano ang gusto ni Princess Yana, 'yun ang masusunod. Kung gusto niyang sumama ka, then you must follow."

Wala nang nagawa si Brylle nang sabihin 'yun ng Master niya. Pero pagtalikod ni Lolo Lorcan, saka niya ako tinitigan ng masama. "Porket Prinsesa ka na, kung makapag-utos na—"

"Lolo Lorcan! Si Brylle po, sinusungitan ako!"

"Batang Zaffiro!" Lolo Lorcan on my side! Woohoo!

End of conversation! Sasama sa amin si Brylle at hindi niya ako pwedeng iwan dahil may problema pa kaming dapat na pag-usapan at ayusin.


* * *


Mula Eiskalt, sa isang iglap ay napadpad uli kami sa ibang lugar. Hindi ko na kinailangan pa ng Aestus Cloak dahil wala nang snow sa paligid. "Nasaan na po tayo?"

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon