Wizard's Tale 2: Chapter 4

152K 4.1K 396
                                    


(Brylle POV)


Hindi tinigilan nina Master Lorcan at Prince Rouel na kausapin si King Hollace tungkol kay Yana. Pero kahit pa anong paliwanag nila, buo na ang desisyon ng Hari. Itinuloy ang pagkulong kina Yana at Clerion at bukod pa roon...

"Sa harap po ng publiko. Kailangan niyang patunayan sa harap ng publiko na nagagawa niyang gamitin ang Power of Lux. Wala pa pong alam sa paggamit ng kapangyarihan si Yana."

"Wala na tayong magagawa. Ilang beses nang may sumubok na magpanggap na Lux Princess kaya naman hindi natin masisisi ang paghihigpit nila ngayon. Lalo pa at nalaman nilang may kasama tayong Snow Vetter." Napayuko naman si Prince Rouel nang mabanggit yun ni Master. "Prince Rouel, magsabi ka nga. Gaano mo pinagkakatiwalaan ang Clerion na 'yun?"

"Hindi ko itataya ang pangalan ng Glaciever kung hindi ako sigurado kay Clerion. He's a loyal servant, nakita niyo rin naman ang pagtatanggol niya kay Princess Alyanna kanina, di ba?"

Wala na rin naman kaming magagawa kahit pagtalunan pa namin ang tungkol kay Clerion. "Master Lorcan, nahingian niyo na rin po ba ako ng pahintulot na samahan ko ang Prinsesa sa kulungan?"

"Oo, pumayag naman sila. Pero iiwanan mo ang wand mo sa taga-bantay."

"Wala pong problema sa akin yun."

"Sama ako, sama ako, sama ako!"

"Hindi pwede, Vander. Isa lamang ang pinayagang makasama ng Prinsesa sa loob ng kulungan."

Kitang-kita ko naman ang lungkot sa mukha ng Elemental Guardian ko. "Don't worry Vander, I'll look after her." Agad na rin akong nagtungo kung saan nila ikinulong si Yana. Dalawang kawal pa ang nagbabantay para siguruhing wala akong ikikilos na masama.


* * *


(Alyanna POV)


Nagising ako na nasa loob na ako ng isang maliit kwarto. Pagbangon ko, sumilip ako sa maliit na bintana. Pero imbes na matuwa dahil sa wakas ay nakarating na ako sa sinasabi nilang tahanan ko, nalungkot lang ako. Kulungan ito eh. Puro rehas ang nakikita ko.

"Mahal na Prinsesa?" Napalapit ako sa rehas na pintuan nang marinig ko ang boses ni Clerion. Nang sumilip ako, nasa ibang kulungan siya. "Halos limang oras kayong walang malay. Mabuti naman at gising na kayo. Nasaktan po ba kayo?"

"Hindi—hindi naman."

"I'm glad to hear that." Iba sa pakiramdam na marinig ang nag-aalalang boses ni Clerion. Malumanay ito at medyo malungkot. "Patawarin niyo ako. Nang dahil sa akin kaya hindi ka nila kayang paniwalaan."

Gusto kong alisin sa alaala ko na siya ang pumatay kina Auntie Seline dahil sa tuwing naiisip ko 'yun, nagdadalawang-isip ako na magtiwala sa kanya. Pero sa ipinapakita niyang kabaitan, wala sa tipo ni Clerion ang paniniwala ng lahat tungkol sa mga Dark Sorcerers. Mabait na Dark Sorcerer si Clerion.

Gabi na at pinakain naman kami ng mga bantay. Ang tahimik lang sa buong paligid kaya naman hindi ko maiwasang mainip.

"Yana..." Napalingon ako bigla sa boses na tumawag sa akin. Dumating si Brylle na may kasamang mga kawal. Pumasok din siya sa loob ng kulungan ko at agad akong tumakbo palapit sa kanya. Napaiyak pa ako nang magkayakap kami.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon