Wizard's Tale 3: Chapter 23

95.6K 2.7K 769
                                    


(Alyanna POV)


Sa byahe namin pabalik sa palasyo ay naikwento ni Sorceress Louhi ang dahilan kung para saan ang mga Yosuzume feathers na madalas niyang hingiin. "Mahalagang sangkap ang balahibo ng Yosuzume sa aking Youth Potion! Sarili ko itong recipe at pinakatatago kong beauty secret!"

Bigla naman siyang tinawanan ni Lolo Lorcan—na bumalik na sa pagiging matanda niya dahil humulas na ang epekto ng Youth Potion sa kanya. "Alam mo ba na ang Lux Princess, kahit baguhan pa lamang noon ay nagawa nang gawing bata ang sarili niya na walang gamit na kahit na anong potion?"

"Ano? Posible ba 'yun?" Hinarap ako ng Sorceress. "Kay tagal ko nang naghahanap ng ibang paraan pero wala akong makita! Anong spell ang ginamit mo?"

"Ah... eh... literal pong magiging sanggol ka kapag sinabi mo 'yun. Baka kapag binanggit ko ngayon, maging baby po uli ako."

Masyado yata kaming nawili sa usapan at panandalian naming nakalimutan ang maaring banta sa paligid. Tumigil na lang bigla sa paglipad si Milka at umatungal ito sa 'di malamang dahilan.

"Anong nangyayari sa alaga mo?"

"Hindi ko alam..." Hinimas ko ang alaga kong Rohlynx sa leeg ngunit laking gulat ko nang lumipad ito paibaba. Sa sobrang bilis, kamuntikan pa akong mahulog kaya napakapit ako sa kanya ng mas mahigpit. "Milka! Magdahan-dahan ka!"

Wala na ring nagawa ang mga kasama ko kundi ang sundan kami sa baba ng gubat. At pagtapak namin sa lupa, "Bad Rohlynx! Bakit mo ginawa 'yun? Kamuntikan na akong mahulog sa ginawa mo!" Ngunit kahit pinagagalitan ko na siya, nakuha pa niya akong dambahin na para bang hinaharangan ako mula sa kung ano.

Saka pa lang namin naintindihan ang kakaibang ikinikilos ni Milka nang biglang makaramdam ng kakaiba si Sorceress Louhi, "Maghanda kayo! Hindi lang tayo ang naririto sa gubat."

Pinakiramdaman namin ang buong paligid at tama nga ang Class S Sorceress. Ramdam namin ang masamang enerhiya na nagmumula sa iba't ibang direksyon.

Ilang sandali pa, isang surpresang atake ang bumulaga sa pwestong kinaroroonan namin. Umulan ng mga palaso at nakagawa man ng barrier ang dalawang Class S na kasama namin, hindi pala basta-bastang mga palaso ang tumatama sa amin. May itim na likido sa arrowheads nito na tumutunaw sa barrier kaya kinailangan pang gumawa ng magkakapatong na barriers.

"Ano yung itim na likido na 'yun?"

"Blacquid." Isang tingin pa lang ay alam na ni Brylle. "Ginawa ng mga Hollowick para patayin ang sino mang Luxurian." At sa naalala ko, 'yun din ang nakalagay sa punyal na ginamit noon para sana patayin ako noong sanggol pa lang ako.

Ngunit bukod sa Blacquid, grabe 'yung pagtitig ni Brylle doon sa mismong palaso. Para bang may nalalaman o gumugulo sa isip niya na ayaw niya lang sabihin.

Ilang segundo ang itinagal ng pagpapaulan sa amin ng Blacquid Arrows. Ngunit nang saktong alisin na nina Lolo Lorcan at Sorceress Louhi ang barrier, isang grupo naman ng nilalang ang umatake saamin.

"Cruorlusts!" Mga dark-type humanoids sila na may kulay asul at magagaspang na balat, mahahaba at kulay-violet na dila at ayon sa pangalan nilang 'Cruor' na ang ibig sabihin ay dugo, mga brutal na nilalang sila na gustung-gustong makakita ng dumadanak na dugo.

Nagmistulang ambush ang nangyari. May mga isip ang Cruorlusts at bihasa rin sa pakikipaglaban. Makunat rin sila at hindi basta-bastang tinatablan ng Elemental Magic.

"Mabuti pa, mauna na kayo sa palasyo! Batang Zaffiro, Sylfer, kayo nang bahala sa Prinsesa!"

"Pero Lolo—" Hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil humarang na si Brylle at hinawakan ang kamay ko. "Kaya na nina Master Lorcan at Sorceress Louhi 'yan. Tandaan mo, mga Class S sila."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon