Wizard's Tale 1: Chapter 44

159K 3.8K 1.1K
                                    


-NOTICE-

This chapter is incomplete and has several cut scenes. Para mabasa ng buo, Wizard's Tale: Unlike Your Ordinary Fairytale is still available at all leading bookstores nationwide (National Book Store, Pandayan, Fullybooked, Booksale, etc) . Kung wala kayong makitang naka-display sa bookstore na malapit sa inyo, pwede kayong magtanong sa customer service at magpa-reserve sa kanila. Kung walang perang pambili, kahit manghiram na lang kayo sa mga kakilala niyo.

* * *


(Brylle POV)


With Master Lorcan's tracking spell, madali naming natunton ang lugar na maaring pinagtataguan ng mga Hobgoblins. Usually, sa tuwing nagnanakaw sila ng mga gamit ay sa iisang lugar lang ang pinagtataguan nila. At yun ay ang sarili nilang altar.

Nakarating kami sa isang masukal at madilim na parte ng kagubatan kung saan nagkalat din ang ibang ilusyon na pekeng mababangis na hayop. Kung ordinaryong tao ang nasa position namin ngayon, iiwasan na nila ang lugar na 'to. That's one of the reasons kung bakit walang mortal ang makaka-diskubre ng kanilang tirahan.

Meron ding mga patibong sa paligid ngunit madali na lang para saamin ni Master Lorcan na sirain ang mga ito. Narating na namin ang mismong kuta ng mga Hobgoblins pero...

"Parang may kaguluhan na nangyari dito." Ang nasabi ko habang ino-obserbahan ang buong paligid. Para kasing sinalanta ng delubyo ang buong lugar.

Nagkalat din ang kulay berdeng likido sa lupa. At nang alamin ni Master Lorcan kung ano yun, "Hobgoblin's blood."

"May sumalakay sa kanila dito?" Masama na kutob ko na mukhang may nangyari ngang kaguluhan dito.


-CUT SCENE-


Nagtatago sila dun sa kweba at ang ilan sa kanila ay malubha pang sugatan. Nakita pa namin na sa pinakagilid, naka-hilera ang patay na katawan ng kanilang mga kauri nila

"Sino kayang umatake dito?" Ang naibulong ko.

"We are from the White Light Clan. May nakakaintindi ba sa inyo tungkol sa mga sinasabi ko?" Ang isinigaw ni Master Lorcan sa lahat. "Wir sind ovre zurückkommen naar de þessi Sie stahlt! (We are here to get back the treasure that you stole!)"

Nagbulungan ang mga Hobgoblins at may pagtataka sila sa mga pinagsasabi ni Master Lorcan. Ngunit isang nakatatandang Hobgoblin ang tumayo at lumapit saamin. "Ako ang Elder ng tribong ito." Sa wakas! May isa sa kanila na nakakaintindi saamin. "Wala na saamin ang Lux Amulet. Pakawalan niyo ang aming kasama at sasabihin ko sa inyo ang mga nangyari."

Sinenyasan ako ni Master Lorcan na sundin ang kundisyon kaya pinakawalan ko na yung hobgoblin na nahuli namin kanina. At saka kami pinasunod ng Elder na yun para kausapin.

"Pagkakuha ng mga ka-tribo ko sa Lux Amulet kanina, dinala ito agad sa aming altar. Gagamitin sana namin ito para mas mapalakas ang aming pwersa. Ngunit wala pang ilang minuto, sinugod na agad kami ng isang nilalang at ninakaw rin saamin ang kwintas."

"Sino? Anong klaseng nilalang?"

"Nakabalot ang buong katawan at mukha niya. Walang nakakaalam kung anong nilalang yun. Pero ubod ito ng lakas at sobrang makapangyarihan! Maging ang mga damit na kinuha noon ng mga kasamahan ko na pagmamay-ari din ng prinsesa ay kinuha niya."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon