Wizard's Tale 2: Chapter 5

164K 3.6K 544
                                    


(Alyanna POV)


Matagal na rin noong huli akong nakaramdam ng yakap ng isang ina. Umiiyak si Queen Alisia habang yakap niya ako at paulit-ulit niyang binabanggit ang aking pangalan. Hindi rin nagtagal, lumapit na sa amin si King Hollace at niyakap kami pareho.

Ngayon ko lang masasabi na totoo pala 'yung lukso ng dugo. Nararamdaman ko 'yun ngayon habang umiiyak na rin ako dahil kasama ko na sila.

Napansin ko naman na nagsiluhuran na ang lahat sa paligid namin. Halatang nagsisisi sila sa mga pinaggagawa nila sa akin kanina, at naniniwala na silang tunay nang nagbalik ang kanilang Lux Princess.

We left the crowd and entered the castle. Ang lahat ay nagkandarapa. Kung hindi nakaluhod, nakasaludo ang mga tauhan sa palasyo. Kahit pa 'yung mga taong mukhang may matataas na posisyon ay nagbigay galang sa akin.

Isinama naman ako ng Hari at Reyna sa isang kwarto at doon ay nabigyan na kami ng pribadong oras. "Patawarin mo ako kung nasaktan kita, anak ko." sabi sa akin ni King Hollace habang nakahawak siya sa pisngi ko.

"Ayos na po ako. Napagaling ako ng Lux." Ilang sandali pa, pare-pareho na kaming lumuluha uli. Pero masarap pala yung feeling na umiyak dahil sa sobrang saya.

Pinagkwento na nila ako ng tungkol sa sarili ko at sa naging buhay ko na malayo sa kanila. Nasabi kong lumaki ako sa Mortal World at sina Allina at Samuel Rohan ang kinilala kong mga magulang. Naikwento ko rin 'yung paghihirap na dinanas ko, hanggang doon sa parte na nakilala ko si Lolo Lorcan at napunta sa pangangalaga ni Brylle.

Nakinig sila sa mahabang kwento ko hanggang sa katapusan at nalaman na ng lahat na ako nga ang nawawalang Prinsesa.

"Ngunit bakit may kasama kayong Snow Vetter na isang Dark Sorcerer?"

Inasahan ko nang itatanong nila ang tungkol dun pero naihanda ko na ang sagot ko. "Sa maniwala man kayo o hindi, mabait po talaga siya. Totoo ang sinasabi ni Prince Rouel tungkol sa kanyang Oracle, kakampi po natin si Clerion."

Nagkatinginan ang Hari at Reyna at nang tumingin uli sila sa akin, sabay nila akong nginitian at tumango. "Kitang-kita ko nga ang pagtatanggol niya sayo kanina noong nagkakagulo ang lahat."

Maya-maya, may kumatok sa pinto at isang katulong ang pumasok bitbit ang mga gamit ko. Nang maiwan uli kaming tatlo, "Heto ba ang gamit mo? 'Yung mga iniwan sayo ni Allina?"

"Opo." Nauna kong inilabas 'yung black crystal ball, ballpen na walang tinta, panyo, hairbrush at salamin.

"Ako mismo ang nagbigay ng mga gamit na iyan kay Allina," sabi ng Reyna at bakas ang kalungkutan sa boses niya. Alam kong iniisip pa rin kasi nila na kinidnap ako ni Mama Allina. Ang totoo, 'yun na nga rin ang paniniwala ko.

Ang huling gamit na inilabas ko ay yung notebook. Nang makita ito ng Reyna ay agad niya itong dinampot. "At naitago pa pala niya ito."

"Opo... pero wala naman pong nakasulat dyan. Puro blankong papel lang."

Binuklat ni Queen Alisia ang notebook sabay sabing, "Alam ko ang natatagong sikreto na kayang gawin nito."

Medyo kinabahan na ako sa sinabi niya. Parang anytime, may malalaman kaming impormasyon na pwedeng makapagpabago sa lahat. At hindi nga kami nagkamali.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon