Wizard's Tale 2: Chapter 10

146K 3.6K 288
                                    


(Alyanna POV)


Alam kong hindi madali na makumpleto ang Awakening Ritual. Pero sa sobrang hirap pala nito, kinulang pa ang isang linggong palugit ko sa sarili ko! Magta-tatlong linggo na pero hindi ko pa rin ito magawa ng tama.

Summoning of the Elements pa lang ay malaking question mark na. Kapag nagtuluy-tuloy 'to, baka hindi na talaga ako makapunta sa camp para suportahan si Brylle. Nauubos na ang isang buwan ko!

Nung unang linggo ng pagsubok, ang dami pang nanonood sa akin. Pero nung tumagal-tagal na, unti-unti na silang nababawasan. Sa hapon lang nakukumpleto ang lahat kapag oras na para ipakita kung may improvement na ba sa ginagawa ko.

Inaalala ko naman palagi ang mga advice sa akin para magawa ko ng tama ito.

"You are my child and you're a half-blood Aerssian. Nasa dugo mo ang natural na paggamit ng Element of Air. Whenever you breathe, you summon the Air." -Queen Alisia Aersseys.

"The Flemwall handles the fierceness of Fire by using an equal amount of energy that it gives. Kapag natakot ka, it will take its chance to dominate you so do not let your fear take over you. Be brave." –Lolo Lorcan Flemwall.

"Glaciever always go with the flow of Water, and that is why the waves remain on our side. It shall come with harmony when you are able to understand it." -Prince Rouel Glaciever.

"Sa lahat ng elemento, masasabi ko pong ang Lupa ang pinakamapagbigay sa lahat. And the only way to call it is through welcoming it. Ito po ang ginagawa naming mga taga-Terrashaw." -Kerria Terrashaw

Pero ang hindi ko pa rin maintindihan, mailap sa akin ang apat na elemento. May kulang sa pagtawag ko sa kanila at hindi ko malaman kung ano 'yun.


* * *


Minabuti kong pumasyal sa labas ng palasyo at tumambay sa isang open field. Nakatanaw lang ako sa malayo at nakasalampak sa lupa. For a moment, pinabayaan ko na lang munang lumutang ang isip ko.

Pero bigla pa ring sumingit si Brylle. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nagti-training? Nag-aaral ng spell? Nambabae? Parang lalo yata akong nai-stress!

Sayang ang oras kapag tumunganga lang ako rito. And since maluwag ang paligid at nag-iisa lang ako, mabuti pang mag-practice na lang uli ako para hindi ko na rin muna problemahin si Brylle.

Kumuha ako ng stick at nag-drawing ng Luxurian Circle sa lupa. Tumayo ako sa gitna nun at nag-concentrate na.


"We began at the East, by the Power of Air."


Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ko ang hangin sa paligid. Ramdam ko nga ang pag-in and out ng hangin sa lungs ko eh. I did the exact same thing for a couple of times hanggang sa makaramdam ako ng lamig sa kamay ko. Nang yumuko ako, nanlaki ang mata ko dahil nagiging visible na sa paningin ko 'yung hangin. "Ang Element of Air!"

Pero teka! Hindi pwedeng masyado akong ma-excite dahil baka mawala ang concentration ko! Sa tinagal-tagal na kasi ng pagsasanay ko, ngayon na lang ako nakakita ng improvement! Nakabuti nga ang paglabas ko rito.

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon