Wizard's Tale 3: Chapter 8

111K 3.3K 474
                                    


(Alyanna POV)


Magkatabi kami ni Kaleel na pinapanuod ang pagtatakip-silim. Ramdam ko 'yung kakaibang koneksyon namin sa isa't isa. 'Yung nawalang koneksyon na nararamdaman ko kay Brylle noong nakaraang dalawang taon, muli kong nararamdaman sa piling niya.

"Kaleel, have you ever been to the Mortal World?"

"No."

"Are you sure?"

"Yes, Your Highness. Not everyone can go to that world. I must abide to that rule."

"Eh si Vander? What do you think of him?"

"Makulit siya. Paulit-ulit. Nakakarindi." Ganyan din ang tingin ko kay Vander, pwera lang dun sa 'nakakarindi'. "Pasensya ka na, mahal na Prinsesa. Alam kong magkaibigan kayo ng Garden Gnome na 'yun."

Napilitan na lang akong ngumiti. "Pero Kaleel, wala ka bang nararamdaman na parang nakilala at nakasama mo na siya noon?"

"Wala po."

"'Yung pakiramdam na nararamdaman ng isang Master sa Elemental Guardian na nagbantay at tumulong sa kanya sa buong buhay niya?"

"Si Gorum lang po ang nag-iisang Elemental Guardian ko." So may pangalan pala ang gagambang 'yun! Parang wala naman kasing silbi at ni hindi nga nagsasalita! Paano kaya naging Elemental Guardian ang isang 'yun?

"How about me? Anong tingin mo sa akin?"

"You?" Napatingin siya sa akin. Ang masakit lang, wala akong maramdamang malalim na emosyon sa titig niya. "You are very nice, Princess Alyanna."

"Yana. Tawagin mo kong Yana."

"Sobra-sobra po ang kabaitan niyo. Kung tutuusin, bayad na kayo sa pagkakaligtas ko sa inyo."

Bakit kaya ayaw niya akong tawaging Yana? "Naaalala mo ba ang nakaraan mo?"

Nagsalubong bigla ang kilay ni Kaleel. "Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Your childhood? Do you remember it? Wala ka bang nararamdaman na parang may nakalimutan ka? Na parang may kulang sa buhay mo?"

Natawa siya. "Your Highness, iniisip niyo pa rin po ba na ako 'yung kaibigan niyong Wizard? Ano po uli ang pangalan nun?"

"Brylle Zaffiro." Hinintay ko kung ano ang magiging reaksyon niya sa muling pagbanggit ko sa pangalan na 'yun. Pero ang nakakalungkot, wala pa rin itong epekto sa kanya.

"I am not Brylle. I'm sorry." Hindi nga ba?

Tahimik akong napayuko. Ayokong makita niya 'yung kabiguan sa mukha ko, 'yung sakit na akala ko'y nakalimutan ko na ngunit nariyan pa pala. Akala ko naka-move on na ako sa nakalipas na dalawang taon. Hindi pa pala.

"Princess Alyanna, are you crying?"

Hindi ako umimik. Gusto kong tawagin niya akong 'Yana'.

"I'm sorry to have made you cry."

Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko. Pinilit kong magsalita kahit grabe ang paninikip ng dibdib ko. "Nami-miss ko lang talaga siya."

Wizard's Tale Trilogy (1-3) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon